Pagrehistro ng online seller ipagpaliban
SA dami umano ng kinakaharap na problema ng bansa, hindi umano ang pagpaparehistro ng mga maliliit na online seller ang dapat na atupagin ng gobyerno.
Ayon kay Quezon City Rep. Anthony Peter “Onyx” Crisologo ang nais ng Bureau of Internal Revenue na magparehistro ang lahat ng online sellers ay nagsisilbing pahirap sa marami.
“Let us not add more burden to small online sellers who are trying to earn a living during this difficult time. Our people, despite the circumstances, are doing what they can to survive and feed their families. Suportahan po natin sila,” ani Crisologo.
Ayon kay Crisologo marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at “wag na nating tanggalin at hayaang mawala pati ang kakayahan nilang humanap ng paraan para kumita.”
Bagamat nilinaw umano ng gobyerno na ang mga online sellers na kumikita ng P250,000 lamang ang papatawan ng buwis, ang atasan ang mga ito na magparehistro ay nangangahulugan ng dagdag na gastos.
“Sa panahon po ngayon ay mahalaga ang bawat piso sa maraming pamilyang Pilipino. Mas maraming mahahalagang usapin po ang dapat nating pagtuunan ng pansin. ‘Wag po nating gawing pangunahing layunin ang pagpaparehistro sa mga maliliit na businesses na ito. Bagkus, mag-tulong-tulong po tayong gumawa ng paraan para maibsan ang pasakit na dala ng krisis na ito sa ating mga kababayan,” dagdag pa ng solon.
Suporta umano ang dapat na ibigay ng gobyerno sa bawat Pilipino na “lumalaban para mabuhay ng marangal sa araw-araw”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.