Barangay dapat maging makulit para hindi kumalat ang COVID
ANG mga barangay umano ang magiging susi upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 ngayong mas marami na ang taong pinapayagang lumabas.
Ayon kay ACT-CIS Rep. Niña Taduran hindi dapat mapagod ang barangay sa pagsita sa mga taong walang suot na facemask at hindi sumusunod sa social distancing.
“We are still in quarantine and Covid-19 is still around us. The numbers of affected are still rising. Barangays should be roving around to check the enforcement of health protocols in their communities. Provide masks and sanitizers to the frontliners especially the food vendors who continue to sell in the streets,” ani Taduran.
Hindi umano maitatanggi na kahit na alam na ng publiko ay mayroon pa ring nakakalimot.
“Kailangang ulit-ulitin sa tao na ang virus ay nandito pa rin sa paligid natin, at ang tanging panlaban natin ngayon ay ang disiplina sa ating sarili. Wear face mask, sanitize, practice social distancing and keep a healthy lifestyle,” dagdag pa ng lady solon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.