Viral na: James, Nadine buking ang pagbabalikan dahil sa red couch? 

By Ervin Santiago May 30,2020
share this

Viral na: James, Nadine buking ang pagbabalikan dahil sa red couch? 

By Ervin Santiago May 30,2020 - 11:54 AM

JaDine

NAGPIPIYESTA ngayon ang JaDine fans dahil sa viral post ng isang netizen tungkol sa pagbabalikan nina James Reid at Nadine Lustre.

Limang buwan makalipas ang pinag-usapang announcement ng celebrity couple na sila’y naghiwalay na, balitang magdyowa na uli ang dalawa.

Usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol dito nang kumalat ang dalawang magkahiwalay na litrato nina James at Nadine kung saan makikita ang magkaparehong red couch sa background.

Ayon sa mga die hard JaDine fans, kuha ang dalawang photo sa bahay ni James kung saan nakatira noon si Nadine. Nagsama nang ilang taon sa iisang bubong ang ex-couple ngunit umalis nga roon ang aktres nang mag-break sila ng boyfriend.

“Huli pero di kulong,” ang maikling caption ng netizen sa kanyang viral post.

Bumaha naman ng mensahe ng pagbati mula sa mga tagasuporta nina James at Nadine at sana nga raw ay totoong nagbalikan ang magdyowa.

May mga nagkomento na talagang sila ang pinagtagpo at itinadhana. Mukhang napatunayan na nga raw ng dalawang Kapamilya stars na hindi nila kayang mabuhay na wala ang isa’t isa.

Nitong January, 2020 nagsimulang umingay ang chika na naghiwalay na amg JaDine at kinumpirma nga nila ito sa pamamagitan ng isang joint statement sa Tonight with Boy Abunda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending