American rapper Cardi B sarap na sarap sa Pinoy lumpiang shanghai, fruit salad
LUMPIANG shanghai is life!
Hindi lang mga Pinoy ang nasasarapan sa Filipino dish na ito dahil kahit mga foreigner ay talagang naglalaway dito.
Patunay diyan ang pag-amin ng sikat na sikat na American rapper na si Cardi B na na-in love rin siya sa kakaibang lasa ng ating lumpiang shanghai.
Sa sunud-sunod na message na ipinost niya sa Instagram stories, ibinandera ni Cardi B na sarap na sarap siya sa mga pagkaing Pinoy na inihanda ng asawang Filipina ng kanyang uncle.
Bukod sa pancit bihon at buko salad, super yummy daw ng natikman niyang Pinoy-style lumpiang shanghai.
Sa isang video na ibinahagi niya sa IG, makikita ang American artist na kumukuha ng lumpia at isinawsaw sa barbecue sauce.
Maririnig si Cardi B na nagsabing, “I don’t know what the f– this s—t called but this s—t good as hell with some m—h—f—er barbecue sauce.”
Sa isa pang video, ipinakita ang international rapper na dumampot muli ng shanghai at isinawsaw naman sa favorite sawsawan ng mga Pinoy — ang suka.
Ito naman ang reaksiyon niya nang matikman ang Pinoy fruit salad, “I guess it’s a Philippine fruit salad, it tastes wild good. My uncles’s wife cooked it.”
Hirit pa ni Cardi B, “This cuisine is Philippines ’cause y’all know my aunt in law, my aunt — she’s like my aunt already because man, you’ve been around for 22 years?’”
Ilan sa pinasikat na kanta ng American rapper ay ang super hit na “I Like It,” “Please Me”, “Bartier Cardi” at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.