Duterte umaasang may vaccine na vs COVID-19 sa Enero, 2021 | Bandera

Duterte umaasang may vaccine na vs COVID-19 sa Enero, 2021

Bella Cariaso - May 20, 2020 - 07:42 AM

Pangulong Duterte

UMAASA si Pangulong Duterte na maaabot ng isang pharmaceutical company ang target nito magamit na ang vaccine kontra coronavirus disease sa Enero, 2021.

“Mayroon ng vaccine but ang problema it will be ready, according to them, by 2021 pa. January at the very — at the earliest,” sabi ni Duterte sa kanyang public address kagabi.

Idinagdag ni Duterte nagpapakita ng positibong resulta ang nga field tests na isinasagawa ng  pharmaceutical company na Moderna na nakabase sa South Africa.

“So kung ganoon ‘wag ka sanang mamatay hanggang January, hintayin mo ‘yung vaccine. ‘Pag tinawag ka ng kamatayan sabihin mo, p***** i** ka umalis ka diyan kay may hinihintay ako na vaccine. Hindi ko pa panahon mamatay. Iyan ang good news talaga. That is what I was really hoping for, the vaccine. Because ang kalaban ng vaccine isa lang talaga, it’s — ang kalaban ng COVID, it’s the vaccine that can really fight the infection,” ayon pa kay Duterte.

Tiniyak ni Duterte na maghahanap siya ng pondo sakaling may vaccine na nga sa merkado.

“Kailangan may pera ako niyan kasi bili kaagad tayo,” ayon kay Duterte.

Ayon pa sa Pangulo, nais niya na sanang magpareserba na ng vaccine bagamat pinayuhan siya ni Finance Secretary Carlos Dominguez na wag na muna.

“Gusto ko nga sana magpabili pero sabi ni Secretary Dominguez na ayaw niya kasi kung magpabili daw ako ngayon, ang presyo…Sabi niya— we’ll get a bad deal at this time. I agree but iyong akin naman that sana kung magkawala-wala na talaga ng pera — ewan ko kung saan tayo magkuha pa. Madali na siguro. Basta may vaccine na, puwede na tayong makahiram,” sabi pa ni Duterte.

Pinayuhan naman ni Duterte ang publiko na manatili sa kani-kanilang mga tahanan habang wala pang vaccine.

“In the meantime, pakiusap ako sa labas, sundin lang po ninyo ‘yung masks at saka ‘yung pag-ubo, magdala ka — magbili kayo ng panyo maski ‘yang murahin lang tapos try to cover, kung may sipon ka o ubo ka, try to cover your mouth bago ka…,” payo pa ni Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending