Utol ni Luis pang-matinee idol; Ate Vi pinaiyak ng anak Bandera

Utol ni Luis pang-matinee idol; Ate Vi pinaiyak ng anak

Ervin Santiago |April 26,2020
share this

Utol ni Luis pang-matinee idol; Ate Vi pinaiyak ng anak

Ervin Santiago April 26,2020 - 01:44 PM

SIGURADONG maraming matutuwa at kikiligin kung papasukin din ng anak nina Vilma Santos at Ralph Recto na si Ryan Christian ang mundo ng showbiz.

Matinee idol kasi ang dating ng binata kaya talagang pagkakaguluhan siya ng madlang pipol, lalo na ng mga kababaihan at kabadingan once na sundan din niya ang yapak ng kanyang ina at half brother na si Luis Manzano.

Kagabi, muling ipinalabas sa ABS-CBN ang birthday episode ni Luis sa I Can See Your Voice kung saan special guest ang mommy niyang si Ate Vi. Bukod dito, may video greeting din si Ryan Christian sa kanyang kuya.

At kahit replay na ang nasabing ICSYV episode, tinutukan pa rin ito ng madlang pipol, lalo na ng mga Vilmanians. Dito nga maraming nag-comment na ang gwapo-gwapo pala ni Ryan at pwedeng-pwedeng maging next heartthrob kung mabibigyan ng chance sa showbiz.

Pero mukhang wala ngang interes ang binata sa pag-aartista at feeling ng mga Vilmanians sa politika ito naghahanda dahil baka anytime soon ay pasukin na rin nito ang public service tulad ng kanyang mga magulang.

Anyway, ang ni-replay kagabi sa ICSYV ng ABS-CBN ay isa sa mga highest-rating episode ng programa ni Luis at kabilang din sa most watched sa official YouTube channel ng show.

Nabitin pa nga ang mga viewers dahil next Saturday pa mapapanood ang part 2 nito na kaabang-abang pa rin. 

Grabe rin naman kasi ang pasabog ng nag-iisang mystery music game show sa bansa kung saan parehong napaiyak sina Luis at Ate Vi nang magpalitan na sila ng mensahe para sa isa’t isa.

Sey ng Star for All Seasons, “I’m so proud of my son. I just want to thank God for blessing me with a son like you. 

“I feel so lucky that he learned how to share his blessings and share it with people who are in need. He doesn’t think twice to help others that is why I’m proud of him. Please don’t change. God Bless you,” pahayag ng actress-politician.

Dito na napaluha si Luis at hinalikan ang ina kasabay ng kanyang pasasalamat dito.

Samantala, wagi rin si Ate Vi sa nasabing episode dahil isang certified See-nger ang huling napili niya matapos tanggalin ang lahat ng mga secret songer. Nakapag-uwi ng P25,000 si Ven Siy na isang kontesera sa mga singing contest.

Habang tigil pa rin ang taping ng mga entertainment shows sa ABS-CBN, pansamantala munang mapapanood ang best of the best episodes ng I Can See Your Voice tuwing Sabado after Maalaala Mo Kaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending