Kopyahan tuloy: Pasig ginaya anti-discrimination ordinance ng Maynila
NAGPASA na rin ang Pasig City ng batas laban sa mga magdidiscriminate sa mga apektado ng nakakahawang sakit.
Sa ilalim ng Anti-Discrimination Due to Infectious Diseases Ordinance, ipinagbabawal ang lahat ng klaseng harassment maging sa social media laban mga taong infected, under investiagtion or monitoring dahil sa ‘infectious diseases, emerging and re-emerging infectious diseases.’
Pinagbabawal din ang diskriminasyon sa mga health workers at mga nagtratrabaho o naa-assign sa mga ospital o iba pang treatment facility.
Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, ang ordinance na ito ay adopted mula sa kahawig na ordinansang ipinasa ng Maynila kamakailan lang na shinare sa kanya ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.
"Anti-Discrimination Due to Infectious Diseases Ordinance"
Covers all forms of discrimination, including on FB. Applies to all covid-related cases (positive or not) & frontliners.
Mayor Isko of Manila City shared their ordinance w us a couple of wks ago; now we have adopted it pic.twitter.com/f9RlgV6f4X
— Vico Sotto (@VicoSotto) April 18, 2020
Ani ng ilang netizen, agree na agree sila sa kopyahan na ito ng mga mayor.
https://twitter.com/beajustbea/status/1251393131183931392
Kung matatandaan, hindi lang ito ang unang insidente ng ‘kopyahan’ ng mga local government units.
‘Kinopya’ din noong March 28 ang mobile palengkeng sinumula ng Pasig City ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.
Solid 'to! I will show the team who designed ours.. it will be a big morale booster for them!!
We continue to copy a number of your best practices as well. Pati yung sa distribusyon ng goods, natututo kami sa inyo. #KopyahanNaTo!
— Vico Sotto (@VicoSotto) March 28, 2020
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.