Pokwang na-bad trip: Bakit hindi kayo manahimik at bawasan ang pagka-chismosa n’yo?!
HINDI na napigilan ng Kapamilya comedienne na si Pokwang ang sarili na patulan ang mga bashers na tinawag pa niyang mga “chismosa”.
Ilang netizens kasi ang nag-post ng kanilang comments sa kanyang Instagram account na puro pangnenega ang ginagawa sa kanilang kapwa.
Nag-post kasi Pokey sa Instagram ng isang maikling video ng kanyang two-year-old daughter na si Malia. Dito makikitang sinusubuan ng isang kasamahan niya sa bahay nang nakakamay.
Binatikos ng ilang IG followers ang nagpapakain sa anak ni Pokwang gamit ang kamay nito. Sabi ng isang netizen, “May covid bawal magsubo ng kamay.”
Hirit naman ni Pokwang, “So ano gagamitin paa?”
May mga nam-bash sa komedyana pero marami rin naman ang nagtanggol sa kanya. Hindi naman daw siguro hahayaan ni Pokwang na mapahamak ang kanyang anak.
Ang isa pang ikinagalit ni Pokey ay nang idamay na rin ng haters ang kanyang American husband na si Lee O’ Brian.
Dahil dito, talagang binuweltahan na ng Kapamilya comedienne ang kanyang bashers, lalo na ang isang nagkomento na may konek sa “malisya”. Burado na ang nasabing comment matapos siyang patulan ng komedyana.
“Ate hindi malis(y)a tawag Don! Wag kang ano dyan dami na nga iniisip ng mga tao sa lockdown dagdag pa kayo!
“Bakit di kayo kasi manahimik at bawasan pag ka chismosa n’yo?” sey ni Pokey.
Nag-post din siya ng litrato ng isang babaeng may tahi ang bibig kung saan nakasulat ang, “In this time of crisis, if you cannot help, just quarantine your mouth!”
Katulad din ito ng ipinost ng Kapuso star na si Angelika dela Cruz para ipagtanggol ang sarili sa mga kumukuwestiyon sa kanya bilang barangay captain ng Longos, Malabon.
Ito naman ang caption ni Pokwang sa kanyang IG post, “Sssshhhhhh……. mag isip ng mas ikakakalma ng buhay mo sa panahon ngayon na pinag dadaanan natin lahat, mag dasal, maging maingat, manatili sa bahay yan dapat ginagawa natin hindi yung puro chismis parin at puna ng puna sa buhay ng may buhay!
“Isipin mo paano kaba at pamilya mo makaka survive sa mga nangyayari ngayon. Ssshh….. KALMA!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.