Daiana Menezes namatay ang baby habang lumalaban sa cancer

Daiana Menezes namatay ang baby habang ginagamot ang breast cancer

Ervin Santiago - November 19, 2024 - 12:02 PM

Daiana Menezes namatay ang baby habang ginagamot ang breast cancer

Daiana Menezes

NAKUNAN ang Brazilian model-actress na si Daiana Menezes sa panganay sana niyang anak noong kasagsagan ng pakikipaglaban niya sa breast cancer.

Cancer-free na ngayon si Daiana matapos sumailalim sa mahabang treatment para sa kanyang stage 2B breast cancer.

Tulad ng ibang cancer survivors, matinding challenges din ang pinagdaanan ng aktres at dating TV host at dahil sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya ay napagtagumpayan niya ang laban kontra Big C.

Sa katunayan, nagsilbing pa siyang inspirasyon sa maraming kababayan natin na patuloy na nakikipaglaban ngayon sa iba’t ibang ng cancer.

Baka Bet Mo: Xian Lim ‘pinagsabihan’ ng netizens matapos magmotor sa kasagsagan ng bagyo at baha

Pero sa gitna pala ng kanyang pinagdaraanang pagsubok ay nangyari ang isa sa pinakamasakit na pwedeng maranasan ng isang babae na hindi pa niya naibabahagi sa publiko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ᴅᴀɪᴀɴᴀ ᴍᴇɴᴇᴢᴇs ʙʀᴀᴢɪʟɪᴘɪɴᴀ🇧🇷🇵🇭 (@daianamenezes_)


Nawalan pala siya ng anak dahil sa pagkakaroon ng cancer. Nalaman daw niyang nagdadalang-tao siya noon pero pumanaw ang apat na buwang sanggol sa kanyang sinapupunan.

“I got pregnant but unfortunately I lost my baby nu’ng pang-four months na ako. Malaki na pero I lost my baby,” ang rebelasyon ni Daianan sa panayam sa kanya ng content creator at showbiz writer na si Kuya Morly Alinio.

“Some people say it’s because of the treatment I was doing for cancer. But I feel like its from medicine.

“My baby during…when I found out had no lymphs. So my baby was incomplete talaga like hindi siya talaga na-develop. Hindi siya nabuo and the organs ay nakadikit,” patuloy pa pagbabahagi ni Daiana.

Sabi ng aktres, napakalaki ng naitulong sa kanya ng pamilya at malalapit na kaibigan na dumamay sa pinagdaanan niyang pagsubok sa kalusugan, lalo na na ng kanyang ina at ng current partner.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa tanong ni Kuya Morly kung handa na uli siyang magbuntis ngayong cancer-free na siya, “Hindi ko na siya pinangarap kasi for me, kung bibigyan ni Lord, go lang. Pero kung hindi, okay lang din mag-e-enjoy tayo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending