Naging ninong lang daw niya sa binyag
GRABE talaga ang mga tsismosa sa paligid, ‘no! Kahit saan ka yata mapadpad, e, talagang hindi mawawala ang mga makakating dila sa tab-tabi.
E, kasi, nga itong Brazilian model-TV host-actress na si Daiana Menezes ay nabiktima na naman ng mga intrigera!
May nagpakalat kasi na magdyowa na raw sina Daiana at Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, marami raw kasi ang nakakakita sa dalawa na magkasama, at mismong si Daiana pa raw ang bumibisita sa bahay ng politiko.
Mariin nga itong pinabulaanan ng TV host-actress, ayon kay Daiana wala raw malisya ang relasyon nila ni Chavit at hindi rin daw ito nanliligaw sa kanya.
“No, he is my ninong in baptism. I was baptized in the Philippines, so naging Catholic ako dito,” paliwanag ni Daiana sa isang TV interview.
Inamin naman niya na nagpupunta talaga siya sa Ilocos pero hindi naman daw talaga si Gov. Chavit ang pinakarason nito, “Yeah, I’m always there. I’m always in Ilocos.
And sometimes bini-visit ko sila. Parang sila ang family ko dito,” depensa pa ni Daiana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.