Ruffa Gutierrez naadik sa pag-aaral, kakaririn ang master’s degree | Bandera

Ruffa Gutierrez naadik sa pag-aaral, kakaririn ang master’s degree

Pauline del Rosario - October 22, 2022 - 01:37 PM

Ruffa Gutierrez

Ruffa Gutierrez (PHOTO: Instagram/@iloveruffag)

MATAPOS grumaduate noong nakaraang buwan, ibinalita ng dating beauty queen at TV host-actress na si Ruffa Gutierrez na muli siyang bumalik sa pag-aaral.

Kasalukuyan daw siyang kumukuha ng “master’s degree” sa kursong “Communication Arts.”

Kung matatandaang, nitong Setyembre lang nakapagtapos sa kolehiyo si Ruffa with a Communication Arts degree sa Philippine Women’s University o PWU.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

Sinabi ng aktres na kahit anong edad ay pwedeng-pwede pa ring magtapos sa pag-aaral.

Sey niya sa isang segment sa Eat Bulaga noong October 17, “I graduated a couple months ago, Bachelor of Arts in Communication Arts and at any age po, pwede po kayong makapagtapos ng pag-aaral, and it’s okay to further your education.”

“You have to be active and ‘yung mind mo kailangang mag-work pa rin,” dagdag pa niya.

Ni-reveal pa nga niya na “time management” ang kanyang naging sikreto kaya napagsabay niya ang kanyang trabaho at pagiging nanay habang nag-aaral.

“Time management is key… So with the help of my friends, my parents at tsaka ng mga anak ko, talagang gusto kong tapusin,” aniya.

Nagkwento rin siya na naging “bonding” nilang mag-ina ang sabay na nag-aaral.

Ito rin daw ang naging dahilan kaya lalong nagpursige sa pag-aaral ang kanyang mga anak.

Chika niya, “Nagre-review kami ng mga anak ko, so atleast nakikita nilang nag-aaral ‘yung nanay nila, mas pupursige silang mag-aral din, and you know, now nag-pursue pa ako, I take up my masters and also in Communication Arts.”

Tinanong din si Ruffa sa show kung bakit niya naisipang ituloy ang kanyang pag-aaral matapos ang ilang dekada.

Sagot ng TV host-actress, hinanap-hanap niya kasi ito at tila naadik na raw siya sa pag-aaral.

Kwento niya, “Alam mo ‘nung nag-graduate ako ng Bachelor of Arts nung college degree, imagine at my age, at the age of 25, chos!

“Talagang not studying for more than 30 years parang hinahanap ko na ngayon.

“So ngayon, naadik na ako.

“So sabi ko, ano ba ang dapat kong pag-aralan? Mag-certificate course ba ako or ipagpatuloy ko? So naisip ko na pagpatuloy nalang.

“So I’m very proud about that.”

Taong 2021 nang ibandera ni Ruffa na muli siyang babalik ng pag-aaral makalipas ang 34 years upang matupad ang matagal na niyang pangarap — ang makapagtapos sa kolehiyo.

Read more:

Ruffa, Mariel, Ciara wala pang alam sa mga gagawing show sa ALLTV kahit pumirma na ng kontrata?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruffa Gutierrez nilinaw ang chikang lilipat na sa ALLTV: I am allowed to work with everyone

#HaveyNaHavey: Herbert Bautista naka-tag sa graduation post ni Ruffa Gutierrez sa Instagram

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending