Ruffa, Mariel, Ciara wala pang alam sa mga gagawing show sa ALLTV kahit pumirma na ng kontrata?
“WALA pa talagang mga shows, pinapirma lang muna sila,” ang sagot sa amin ng isang taga-ALLTV ng AMBS2 na nakausap namin kamakailan.
Nagtanong kasi kami kung ano ‘yung mga programang gagawin nina Ruffa Gutierrez, Ciara Sotto, Mariel Rodriguez-Padilla at iba pang pumirma ng kontrata sa bagong TV network.
Kung ano raw ‘yung ini-launch noong soft opening ay iyon palang ang umeere tulad nu’ng “Insta Jam” na segment ng “Wowowin” na iho-host nina Randy Santiago at Kim Molina plus Katrina Velarde at Janine Tenoso.
“Wala pa talagang nabubuong shows, kulang pa ang staff, tapos hindi pa tapos, ongoing pa rin ang construction ng studio sa Mandaluyong (StarMall),” tsika pa sa amin.
View this post on Instagram
Siyempre naki-Marites din kami kung totoo ang nabalitang P500 million ang bayad kay Toni Gonzaga-Soriano para sa programa niyang “Toni Talks” at iba pa, pero hindi ito diretsahang sinagot ng Presidente ng AMBS2 na si Ms. Maribeth Tolentino ng mag-viral ito.
“No idea, eh. Pero Willie (Revillame) is in control of everything, so siya lahat ang may alam at siya rin ang right person to ask,” paliwanag pa ng kausap namin.
Tiyak na hilong-talilong si Willie dahil sa kanya lahat dadaan ang concept ng mga programang ipalalabas sa ALLTV, tapos kulang pa sila sa tao.
Kaya siguro hindi rin kami masagot ni Mariel noong nagtanong kami kung ano ang show niya sa bagong TV network, katwiran niya ang manager niyang si Boy Abunda ang makakaalam muna.
Pero wait pa rin kami sa ALLTV kung ano ang mga shows nila dahil for sure may exciting din naman silang ipakikita very soon at ang mahalaga may mga nabibigyan sila ng trabaho.
https://bandera.inquirer.net/323837/toni-gonzaga-p500-m-ang-talent-fee-sa-tv-network-ng-pamilya-villar-may-pasabog-na-interview-kay-bongbong-marcos
https://bandera.inquirer.net/287727/ciara-sotto-wala-pa-ring-swerte-sa-lalaki-hiwalay-na-sa-dyowang-fil-am
https://bandera.inquirer.net/290914/andi-ibinandera-ang-wagas-na-pagmamahal-kay-philmar
https://bandera.inquirer.net/290914/andi-ibinandera-ang-wagas-na-pagmamahal-kay-philmar
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.