DOJ Usec Gutierrez nirepresenta ang Pilipinas sa Vienna, London

DOJ Usec Gutierrez nirepresenta ang Pilipinas sa Vienna, London

Antonio Iñares - November 19, 2024 - 09:44 AM

DOJ Usec Gutierrez nirepresenta ang Pilipinas sa Vienna, London

PATULOY na pinatutunayan ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Margarita Gutierrez ang kaniyang dedikasyon bilang representante ng Pilipinas sa mahahalagang pandaigdigang forum na nagtatampok ng mga kritikal na isyu, pati na rin ang  pagdiriwang ng kulturang Filipino.

Kamakailan, dumalo si Gutierrez sa dalawang major event sa Vienna at London, kung saan binigyan ng pokus ang women empowerment at ang cultural promotion.

Noong October 15, nirepresenta niya ang Pilipinas sa “EmpowerHer: Spotlight on a Multi-Stakeholder Dialogue on Women Empowerment in Criminal Justice and Terrorism,” na pinamunuan ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) sa Vienna.

Sa forum na ito, inilahad ni Gutierrez ang mga reporma ng DOJ na nagpapabuti sa buhay ng mga kababaihan sa loob ng correctional facilities sa bansa.

Binigyang diin din niya ang kahalagahan ng pagsugpo ng stigma laban sa Persons Deprived of Liberty o mga PDLs.

Baka Bet Mo: Sam Verzosa tinulungan 14-anyos na naglalako ng pasalubong sa Lucena

“Lubos akong nagpapasalamat sa pagkakataong maging kinatawan ng DOJ sa UNODC EmpowerHer event,” ani Gutierrez sa kanyang Facebook post.

“Isang karangalan na maibahagi ko ang gender and development programs ng DOJ na nag nagpapalakas sa mga karapatan ng ating kababaihan sa correctional system.

Bilang tagapagtaguyod ng hustisya, naniniwala akong kailangang alisin ang stigma na humahadlang sa mga PDL nang sa gayon, maitaguyod natin ang kanilang karapatan at rehabilitasyon. Lahat deserve ang pangalawang pagkakataon at ang pagkilala sa kanilang potensyal at pagkatao.”

Ipinunto rin ni Gutierrez ang kaniyang dedikasyon sa pagsulong ng justice reforms, gender equality, at second chances para sa mga marginalized individuals.

“Napakaimportante ng dialogue na ito at ikinararangal kong makapag-contribute sa usapin na nagpo-promote ng empowerment para sa kababaihan ng buong justice system,” ani ni Gutierrez.

Noong November 6, muling ipinamalas ni Gutierrez ang dedikasyon sa bansa sa ginanap na World Trade Market (WTM) 2024 sa London. Ang WTM ay isang kilalang trade event sa turismo.

Pinangunahan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco at ng Tourism Promotions Board (TPB) ang paglahok ng Pilipinas sa nasabing event na may layuning ipakita ang natatanging kultura at tradisyon ng bansa.

Mahigit 4,000 exhibitors mula sa iba’t ibang bansa ang lumahok sa WTM na ginawa sa ExCeL London mula November 5 hanggang 7.

Baka Bet Mo: Mga magulang ni Sarah Lahbati bumisita sa DOJ, bakit kaya?

Si Gutierrez, na kilala rin bilang isang propesyunal na modelo, ay ipinagmalaki ang kulturang Pilipino, at isinuot ang tradisyunal na Filipiniana na likha ng tanyag na Filipino Designer na si Randy Ortiz.

Ito ay bilang suporta sa kampanyang “#LoveThePhilippines” ng DOT.

“Isang malaking karangalan ang i-representa ang Pilipinas dito sa London suot ang obra maestra ni Mr. Randy Ortiz,” ani Gutierrez.

Sey pa niya, “Panahon nang masilayan ng mundo ang ganda ng kulturang Pilipino sa ating pananamit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kanyang keynote speech, binigyang-diin ni Tourism Secretary Frasco ang layunin ng delegasyon ng Pilipinas: “Sa pakikilahok ng Pilipinas sa WTM, isa sa pinakamalaking tourism events sa mundo, nais naming ikwento ang storya ng mga Pilipino—isang lahing mayaman sa tradisyon at kultura, na hinubog ng heritage at history. Magkakaiba man sa bawat rehiyon ay nagkakaisa sa pagmamahal sa bayan.”

Sa kaniyang adbokasiya pagdating sa women empowerment at cultural pride, nirerepresenta ni Gutierrez ang bagong henerasyon ng serbisyong publiko na may tunay na malasakit sa bayan.

Siya ay nagsisilbing inspirasyon sa mga bagong lider na umaksyon at magpamalas ng resilience at inclusivity, sa loob at labas ng bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending