Wish ni BINI Aiah kahit sikat na sikat na: Gusto ko pa ring maka-graduate
PANGARAP pa rin ng BINI member na si Aiah Arceta ang makatapos ng pag-aaral pero mukhang imposible pa niya itong matupad in the near future.
Aminado si BINI Aiah na kailangang isantabi muna niya ang pagpapatuloy sa kanyang pag-aaral dahil hanggang next year ay magiging super busy pa rin ang kanilang grupo.
“For this year and next year, may naka-schedule na…ang dami nang lipad namin, different places and out of country.
“Yung schooling ko po, I have to set aside. For now. But I definitely wanna go back when I can, and gusto kong maka-graduate sa school na pinag-aralan ko po,” ang pahayag ng Kapamilya singer sa isang panayam.
Baka Bet Mo: BINI Aiah very happy dahil hindi na dinudumog, pinuri ang ‘respectful’ fans
Sa ngayon, bukod daw sa sunud-sunod na projects ng BINI, hinahanapan din ni Aiah ng oras ang pagwo-workout at ang mga kinahihiligan niya ngayong mga sports.
Knows n’yo ba na mula sa pagiging beauty queen, singer at dancer, ay isa na ring fitness enthusiast ang dalaga. Kuwento ni Aiah, napakalaking challenge para sa kanya ang pagte-training sa BINI mula sa pagsali sa Miss Silka Philippines noong 2018.
“It was really hard, kasi sa pageant parang it’s the whole package, versus sa BINI na talagang talent talaga na sing and dance na performance.
View this post on Instagram
“Mas hindi sing and dance yung focus sa pageant. It’s nice I get to expand more of my knowledge and learn new skills,” lahad ng dalaga.
Bilang beauty queen, kailangan daw sundin ni Aiah ang mga pageant etiquette na itinuro sa kanila pero sa BINI, kering-keri naman ang magpaka-funny and spontaneous.
“Dito ko na na-feel, dito sa BINI na, okay lang. You can be unserious, but you’re still you. Naba-balanse ‘yung serious and unserious,” aniya.
At kahit na nga super busy ang BINI nitong nagdaang taon hanggang ngayong 2024 ay nahahanapan pa rin ni Aiah ng time ang kanyang paboritong sports and fitness activities.
“Boxing, swimming, wall climbing or bouldering, hiking, jogging, I wanna do sports. Kasi sports ‘yung hindi ko gamay.”
“Before, sobra akong shy, timid, weakling ako. Lagi akong nagkakasakit dati and my parents would push me to do sports, be active,” chika pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.