BINI Colet nag-explain sa bansag na ‘Anger’; Grand BINIverse sa iWantTFC
NAG-EXPLAIN ang member ng BINI na si Colet Vergara kung bakit binansagan siyang “Anger” na nagmula sa hit animation movie na “Inside Out.”
Inamin ni Colet na totoo raw na natural na sa kanya ang pagkakaroon ng nabanggit na emosyon kaya tanggap niya ang pagbansag sa kanya bilang si “Anger.”
Sa mga hindi masyadong aware, sa pelikulang “Inside Out” ay isa si Anger sa mga “emotion” character na responsable kapag nagagalit ang bidang si Riley.
Sabi ni BINI Colet sa panayam ng “On Cue” hindi naman daw siya nagagalit o napipikon kapag tinatawag siya sa ganu’ng pangalan.
“Hindi ko nga po alam, e. Pero natural po sa akin na ganu’n po. Baka Anger talaga siguro ako. Pero hindi naman siguro all the time,” paliwanag ng dalaga.
Baka Bet Mo: Sid Lucero nanuntok ng lalaking gustong magpa-selfie: His eyeball burst!
Natanong din sa Kapamilya artist kung paano ba niya hina-handle ang sobrang kasikatan ng kanilang grupo lalo na kapag may mga fans na nai-invade na ang kanilang privacy.
View this post on Instagram
“Parang ‘yung level po na ‘yun du’n lumalabas si Anger talaga. Kapag medyo, overboard na po. Medyo ‘yun po ang hindi ko ma-take talaga.
“Kasi siyempre kahit sabihin ng ibang tao na ‘pinasok n’yo ‘yan.’ May personal life pa rin naman kami,” depensa ni BINI Colet.
May mga pagkakataon din daw na kahit nasa condo na siya at nagpapahinga at nakapambahay lang ay may mga nagpapa-picture pa rin sa kanya at sa iba pang miyembro ng grupo.
Samantala, hindi lang sa Big Dome masasaksihan ang sold-out 3-day concert ng BINI dahil mapapanood din nang live saan man sa mundo ang “Grand BINIverse” sa iWantTFC Pay-Per-View ngayong November 16–18 na gaganapin sa Araneta Coliseum.
Sa halagang P1,290, may PPV day pass na ang BLOOMs na may kasama pang pre-show at soundcheck footage kapag nag-avail ng “Salamin, Salamin” PPV package nito.
Para naman sa mas bonggang viewing experience, available din ang “Cherry on Top” premium package nito na may kasamang multi-cam access sa kanilang live performances, na nagkakahalagang P2,490 kada PPV day pass.
Mas pinasulit din ang panonood ng lahat ng show dates nito sa iWantTFC PPV, na sa halagang P2,599 ay may three-day PPV passes na sa “Salamin, Salamin” package nito.
View this post on Instagram
Mabibili ang pay-per-view passes sa iWantTickets (tickets.iwanttfc.com) at sa iWantTFC.com pati sa official app nito.
Samahan sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa pag-perform ng kanilang favorite hits na “Pantropiko,” “Salamin, Salamin,” “Lagi,” at iba pang bigating pasabog sa 3-day “Grand BINIverse” concert, na mapapanood nationwide at sa iba’t ibang bansa sa iWantTFC Pay-Per-View.
Mapapanood naman nang libre at on-demand ang docuseries nitong “BINI Chapter 1: Born to Win” sa iWantTFC.
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.
Para sa ibang detalye tungkol sa iWantTFC, the home of Filipino stories, i-follow ang official pages nito sa Facebook, X, Instagram, ay YouTube.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.