BINI ‘Born To Win’ docuseries nagpaiyak sa sinehan: Grabe silang lahat!
HINDI kami nagsisi o nanghinayang sa inilaan naming oras at panahon sa panonood ng pinakaaabangang BINI docuseries na “Chapter One: Born To Win“.
Isa kami sa mga masusuwerteng nabigyan ng pagkakataon na mapanood ang dokumentaryong nagtatampok sa P-pop super group na BINI na ginanap kahapon, September 23, sa Gateway Cineplex Cinema 11.
Present sa advance screening ang mga miyembro ng grupo na sina Jhoanna Robles, Maloi Ricalde, Colet Vergara at Mikha Lim na talaga namang tinilian at pinagkaguluhan ng mga Blooms (tawag sa fan groups ng BINI).
Baka Bet Mo: BINI Colet muntik sukuan ang pangarap dahil sa matinding ‘homesick’
Bukod sa mga fans, at ilang members ng entertainment media, naroon din ang mga ABS-CBN executives tulad nina Chairman Mark Lopez at Star Magic head Lauren Dyogi, Head of Digital Jamie Lopez, Head of Music Roxy Liquigan, at News head Francis Toral.
View this post on Instagram
Highlight ng “Chapter One: Born to Win” ang mga rebelasyon kung paano nabuo ang BINI at kung gaano katindi ang pinagdaanan nilang training at pagsasakripisyo bago nila narating ang inaasam na tagumpay.
Siguradong marami pang madidiskubre ang mga Blooms tungkol sa mga members ng BINI na binubuo nina Jhoanna Robles, Maloi Ricalde, Colet Vergara, Mikha Lim, Aiah Arceta, Gwen Apuli, Stacey Sevilleja, at Sheena Catacutan.
Baka Bet Mo: Daniel certified ‘action star’ na, hirit ng fans: ‘He was born to do this!’
Bukod sa kanilang humble beginnings, binigyan din ng sari-sarili nilang moments ang bawat miyembro ng grupo kabilang na ang naging transformation nila over the years at ang mga kinailangan nilang isakripisyo para lamang sa kanilang mga pangarap.
Dito namin nalaman ang naging desisyon ni BINI Gwen noon na umalis na lamang sa grupo dahil sa ilang personal reasons pero bumalik din eventually; ang pagpanaw ng nanay ni BINI Sheena habang naka-lock in sa BINI house noong kasagsagan ng pandemya; at ang hindi inaasahang nangyari kina Gwen at Aiah bago maganap ang kanilang “BINIverse” concert.
Siyempre, mapapanood din sa docuseries ng grupo kung paano sila sumikat nang bonggang-bongga dahil sa kanilang breakthrough hit na “Pantropiko”.
View this post on Instagram
In fairness, hindi lang sina Jhoanna, Maloi, Colet at Mikha ang naging emosyonal habang pinanonood ang naturang documentary kundi halos lahat ng nasa sinehan.
Pati kami ay hindi nagpatalbog sa iyakan dahil talaga namang tatagos sa puso n’yo ang hirap ng mga pinagdaanan ng BINI lalo na yung mga panahong parang nawawalan na sila ng pag-asa dahil parang wala namang nangyayari sa pinagpapaguran nila.
Produced by iWantTFC and ABS-CBN News and Current Affairs, mapapanood na exclusively ang “BINI Chapter 1: Born to Win” bukas, September 26, sa iWantTFC.
Ito’y mula sa direksyon nina Jet Leyco at Kapamilya journalist Jeff Canoy.
Sabi naman ni Jeff Canoy about the docu sa ulat ng ABS-CBN, “This is an origin story. Many know that I’m an OG Bloom; I’ve been following their journey since 2020.
“It was surreal, almost like an out-of-body experience, to watch the documentary on the big screen. We were emotional too because it marked the return of long-form documentaries at ABS-CBN News.
“After the pandemic shutdown, we lost that format, so bringing it back with a story about resilience and overcoming adversity, which mirrors Bini’s journey, is really special,” aniya pa.
Samantala, ang “Chapter 2: Here for You” ng BINI docuseries ay magtatampok naman sa regional tour ng grupo at ang personal encounter nila sa mga Blooms mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.