BINI Colet muntik mag-quit dahil sa matinding 'homesick'

BINI Colet muntik sukuan ang pangarap dahil sa matinding ‘homesick’

Ervin Santiago - July 25, 2024 - 08:20 AM

BINI Colet muntik sukuan ang BINI dahil sa matinding 'homesick'

BINI Colet

MUNTIK na palang mag-quit ang isa sa mga member ng BINI na si Colet noong kasagsagan ng pagte-training nila bilang P-pop group.

Dumating daw talaga siya sa puntong maggi-give up na siya sa kanyang BINI dream dahil sa tindi ng mga challenges na kanilang hinarap sa matitinding training.

Sa interview kay BINI Colet ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros para sa Bisaya talk show nitong “Kuan On One”, inamin niyang muntik na siyang sumuko dahil sa ilang personal na dahilan.

Baka Bet Mo: Karen Davila sa BINI: ‘OMG ang babait! Tama lang na iniidolo niyo sila!’

“Gusto ko na talaga huminto. Naisip ko tumigil dahil sa pagod at malayo ako sa pamilya ko,” pahayag ng singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by C O L E T (@bini_colet)


Inaatake raw talaga siya ng “sepanx” o separation anxiety noong malayo siya sa kanyang pamilya na naka-base sa Bohol. Miss na miss daw talaga niya ang kanyang family habang sumasabak sa training.

“Ako tuwing Pasko lang ako nakakauwi. Buti ‘yung iba malapit lang ang pamilya nila. Pwede silang bisitahin ng kanilang nanay. Kailangan pa natin mag-eroplano. Sa sobrang hirap, gusto ko na talagang huminto,” pahayag ni Colet.

“Nag-Korean training kami sa PBB (house), three months. Aside sa Korean training sa morning meron kaming Filipino coaches,” kuwento pa ng dalaga.

Patuloy pa ni Colet, “Sinabi ko na sa nanay ko na, ‘Uuwi na ako ma. Hindi ko na ‘to kaya.’ Tapos walang kasiguraduhan dahil nag-shutdown ang (ABS-CBN). Feeling namin na isa kami sa matatanggal. So wala talagang kasiguraduhan.”

Baka Bet Mo: True ba, talent fee ng SB19, BINI umaabot na sa P5-M to P8-M?

“Naisip ko na lang na masasayang ang lahat ng efforts ko kung huminto ako. ‘Yun ang tumakbo sa isip ko.

“Nagdesisyon akong ipagpatuloy na lang at kayanin ang training dahil kaya nga ng ibang tao. Kinaya rin ng mga kasama ko. Nakita ko na kaya naman talaga,” chika pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by C O L E T (@bini_colet)


Naka-relate naman daw siya sa kanta nilang “8” na siya rin ang sumulat. Graduation song daw ito na ginawa niya noong nasa high school siya.

“‘Yung kanta na ‘yun bago pa kami naging BINI sinulat ko na ang kantang ‘yun. Grade 8 yata ako nu’n. Basta high school ako nu’ng sinulat ko’ yun at hindi ako makapaniwala na na-release ko siya sa BINI.

“Binago ko na kasi graduation song siya dapat nu’ng una kong sinulat. Ni-revise ko siya ng konti,” sabi pa ni Colet.

Nakatakdang mag-release Nation’s Girl Group ng dalawang bagong album for the international and local markets.

“Marami kaming plans for BINI. We are gathering songs na rin for their fourth album. May local album pa rin naman. Separate dapat pa ‘yun, for the Filipino audience,” ang pahayag ni ABS-CBN Music head Roxy Liquigan sa isang panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa September 8, mapapanood naman sa iWantTFC ang isang documentary titled “BINI Chapter 1: Born to Win” kung saan ibabandera ang journey ng grupo sa music scene.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending