Coco may ebidensiya na, hindi siya ang ama ng anak ni Katherine Luna | Bandera

Coco may ebidensiya na, hindi siya ang ama ng anak ni Katherine Luna

Reggee Bonoan |August 09,2013
facebook
share this

Coco may ebidensiya na, hindi siya ang ama ng anak ni Katherine Luna

Reggee Bonoan - August 09, 2013 - 07:00 AM

Coco Martin at Katerine Luna

Nakakaloka ang mga naninira kay Coco Martin dahil pati ang pamimigay nila ni Izzy Canillo ng school supplies sa mga batang nag-aaral sa pampublikong paaralan bilang advocacy ng Juan dela Cruz at My Little Juan ay binigyan ng kulay.

Mabuti pa raw ang ibang bata ay natutulungan ni Coco samantalang ang anak daw nito kay Katherine Luna ay hindi man lang daw maalalang dalawin at sustentuhan. At dahil sa sunud-sunod ngang pagbira kay Coco ay nagbitaw na ng salita ang manager ng aktor na si Biboy Arboleda, “Walang anak si Coco Martin, that’s a fact!”

Ikinuwento ni Biboy na tatlong buwan na ang nakararaan nu’ng lumapit ang taong may alam ng lahat tungkol kina Coco at Katherine.

“We were shocked! It’s authenticated! Kaya ang masasabi ko lang, walang anak si Coco kay Katherine.
“Actually, hindi rin namin alam kung sasabihin ba namin ito dahil may batang msaapektuhan dahil pinaniwala siya na si Coco ang tatay niya, pero siguro it’s about time na malaman din ng lahat na it’s not Coco’s child,” dagdag ng manager ng aktor.

“Si Coco kasi, hindi ‘yan masalita, hindi ‘yan makuwento kung ano ang mga naitulong niya, hindi naman kasi mayabang na tao ‘yan. Tumutulong siya sa bata at kung hindi man ito ina-acknowledge ng nanay, wala kaming magagawa, pero tumutulong si Coco,” anito.

Kaya naman nu’ng nakipagkita sa kanila ang taong malapit din sa pamilya ni Katherine para sabihin ang totoo at ipakita ang papeles na nagpapatunay na hindi si Coco ang ama ng bata ay nakahinga sila nang maluwag, “Three months ago, to be exact, nu’ng malaman nga ni Coco, nanlambot siya, dahil finally, naliwanagan at vindicated siya, pero ang pinaka-worry niya, paano na ang bata, naawa siya sa bata.”

Alam na ba ng bagets na hindi si Coco ang tatay niya, “Yes, sinabi na, hindi ko lang alam ano ang reaksyon ng bagets. But I hope, okay siya,” sabi pa ni Biboy.

At para rin sa kaalaman ng lahat, hindi raw basta tinalikuran ni Coco ang bata dahil nagbigay siya ng sapat na halaga na puwedeng magamit sa kanyang pag-aaral at sana raw magamit ito ng tama, “Coco gave a certain amount na puwedeng sabihing ‘a fund to start with’ na puwedeng magamit,” pagtatapat pa ni Biboy.

Samantala, inamin ni Biboy na maaaring magalit sa kanya si Coco dahil walang pahintulot ang aktor na magsalita siya sa media, “Okay lang, basta mailabas lang ang totoo dahil parati siyang binabatikos. All I know was, I did this to protect Coco bilang manager niya,” aniya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending