Alden naiyak sa interview; natatakot para sa kuyang nurse sa US | Bandera

Alden naiyak sa interview; natatakot para sa kuyang nurse sa US

Ervin Santiago - March 24, 2020 - 12:37 PM

ALDEN RICHARDS

MANGIYAK-NGIYAK ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards nang magpasalamat sa magigiting na “frontliners” na walang takot na itinataya ang buhay para lang mailigtas ang mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Naging emosyonal ang Pambansang Bae sa panayam ng GMA 7 kagabi habang nagbibigay ng mensahe sa lahat ng Kapuso habang nakikipaglaban ang buong mundo sa COVID-19. Dito rin niya ipinahayag ang pangambang nararamdaman para sa nakatatatandang kapatid na isang nurse sa California.

Ayon sa Kapuso actor, naka-lockdown na rin ang lugar kung saan nakatira ang kanyang kuya kaya pinayuhan niya itong huwag nang pumasok. At dito na nga nagsimulang maluha ang binata.

“Pinipilit ko siya na huwag nang pumasok kasi naka-lockdown sila but sabi niya sa ‘kin parang kawawa ‘yung mga pasyente,” pahayag ni Alden na biglang natigilan sabay sabing, “Naiyak tuloy ako.”

“I feel for him kasi kailangan niyang gawin ‘yung trabaho sa community,” aniya pa habang pinipigilan ang pagtulo ng kanyang luha.

Saludo si Alden sa tapang at dedikasyon ng mga frontliner na talagang ginagawa ang lahat para magampanan ang kanilang tungkulin kahit na nalalagay pa sa peligro ang kanilang mga buhay.

“Thank you so much sa inyong lahat. Nandito lang kami kahit hindi man kami nandyan physically but our prayers our hearts and minds goes to them. Sana matapos na ‘to, ‘yun na lang talaga ‘yung pinagdadasal nating lahat,” mensahe pa ng aktor.

Pahabol pa niya, “Life is short, hindi tayo sigurado kagaya nitong COVID-19 parang akala natin ganun-ganun lang ‘yung virus pero it’s taking toll in all of us.”

Nitong mga nakaraang araw ay nagbigay din ng pagkain si Alden sa mga frontliners at medical personnel sa Biñan City, Laguna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending