Boyet de Leon lumabag nga ba sa DOH protocol para sa COVID-testing?
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pagkakadawit sa pangalan ng veteran actor na si Christopher de Leon sa mga personalidad na umano’y lumabag sa protocol ng DOH kung sino dapat ang unahin sa COVID-testing.
Mismong si Boyet ang umamin na nagpositibo siya sa COVID-19 at agad na sumailalim sa quarantine at kaukulang gamutan. Kamakalawa, sinabi ng asawa niyang si Sandy Andolong na bumubuti na ang kundisyon ng aktor.
Pero iniintriga nga ngayon si Boyet dahil napasama ang pangalan niya sa listahan ng mga government officials na nabigyan umano ng special treatment sa COVID testing. Na-bash tuloy ang aktor dahil dito.
Mabilis naman siyang dinepensahan ng kanyang anak na si Mariel de Leon at sinabing hindi raw agad-agad nagpa-test ang ama.
“My dad works a lot (events, tapings, shooting) so he’s always exposed to many people.
“Before he got tested, he was sick and decided to quarantine himself in the house. After it persisted, he decided to go to the doctors to take the test.
“Like everyone else there, he had to wait hours in line because they ran out of tests that morning/afternoon so they had to wait longer,” sabi pa ng beauty queen-actress.
Pagpapatuloy pa ni Mariel, “He was more worried for my mom because she is a kidney transplant patient (among other health issues).
“I never read news or anything about my family because (most of the time) they don’t even contact us to confirm details. So idk what they’re saying,” chika pa ng dalaga na kasalukuyang nasa Brooklyn, New York, USA ngayon.
Sa huli, may hugot pa si Mariel kontra sa pamahalaan, “But yes. The government is shit. They need to do better. We all need to do better. Stay home. Stay safe. Stay clean. Stay healthy.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.