Duterte ibinasura ang lockdown ng MM dahil sa COVID-19
IBINASURA ni Pangulong Duterte ang panukala na magdeklara ng lockdown sa Metro Manila sa harap ng tumataas na bilang ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
“We have not reached that kind of contamination. Iisa-isa lang. With this transmission, you want to close down the economy at this time? There will be a time I suppose. I hope not. I hope God will have mercy on our — the Filipino people. There might be a time. Pero at this time, you want me to… It’s too early,” sabi ni Duterte.
Ito’y matapos namang isulong ni Albay Representative Joey Salceda ang isang linggong lockdown sa National Capital Region (NCR) para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
“Hindi ko sinasabi na bakit hintayin mo ba magkasakit lahat? It’s not that. But you have to balance. Eh wala na magpasok ng bigas, walang magpasok ng mga gasolina, i-lock down mo, patay ang…,” ayon pa kay Duterte.
Kasabay nito, tiniyak ni Duterte na magagawan ng paraan ng gobyerno ang kakulungan ng testing kit sakaling dumami ang kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.