Klase sa MM sinuspinde ni Duterte mula Marso 10-14
INANUNSYO ngayong gabi ni Pangulong Duterte ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Kasabay nito, inihayag ni Duterte na umabot na sa 24 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
“So that is how bad it is. So we have decided to — the clamor also the mayors probably much worried than we here so there is a consensus that — by the body that classes will be suspended in NCR, National Capital Region lang, beginning tomorrow and it will end in March 14,” sabi ni Duterte.
Ito’y matapos na pulungin ni Duterte ang mayor sa Metro Manila.
“The reason being that (suspension) parang tignan natin ‘yung incubation period which is not ordinarily like a normal virus three or four. Ito umaabot ng 14 days. So itong 14 days na ito one is to keep safe the children. Second is that we are going to establish a benchmark kung ilan pa ang madagdagan. At ngayon kung itong walang klase would it somehow reduce the number of the victims if we keep our children sequestered at home and study there,” ayon pa kay Duterte.
Idinagdag ni Duterte na nais naman ni Education Secretary Leonor Briones na tiyakin na mag-aaral pa rin ang mga estudyange sa bahay at hindi lalabas.
“Secretary Briones insisted that they should stay home but study and we have agreed that DILG at ang pulis will supervise as truant officers. So ‘yung nandiyan sa labas mag-ano magdadala ng libro. If they are there, they will be escorted to the parents and for the parents to be lectured on of their responsibilities of being a parent. That their children should study even while they are detained in their respective homes,” ayon pa kay Duterte.
Sinabi ni Duterte na magpupulong muli sila pagkatapos ng Marso 14 para magdesisyon kung tatagal pa ang suspensyon ng klase.
“But after March 14, we will be meeting again to discuss the whether we save lives and ‘yung itong ano ngayon itong 24 gagaling ‘to. Pero palagay ko gagaling,” sabi ni Duterte.
Kabilang sa mga apat na bagong kaso COVID-19 ang West Crame, San Juan, Sta. Maria, Bulacan, at Project 6 sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.