Lorna bilang kontrabida sa Probinsyano: May ganito bang tao? | Bandera

Lorna bilang kontrabida sa Probinsyano: May ganito bang tao?

Bandera |March 08,2020
facebook
share this

Lorna bilang kontrabida sa Probinsyano: May ganito bang tao?

Bandera - March 08, 2020 - 01:00 AM

LORNA TOLENTINO

“LILY Cortez” na ang tawag ngayon ng mga tao kay Grand Slam Queen Lorna Tolentino dahil na rin sa epektibong pagganap niya bilang kontrabida sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Bangs pa lang daw ni Lorna sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin ay inis na inis na ang manonood.

“Medyo kailangan muna i-side ang bangs kasi kapag naka-bangs ako, medyo parang ang tingin ng lahat ay si Lily! Parang ‘Miss Lily, pwede po ba magpa-picture?’ Lily na!” pahayag ng award-winning actress sa kanyang contract renewal bilang isa sa mga top celebrity ambassador ng Beautéderm na pag-aari ni Rhea Tan.

“So kapag wala, medyo naiba na. Miss LT na ulit. Pero happy naman ako na ganu’n ang tinatawag nila sa akin ibig sabihin nanonood talaga sila,” pahayag pa ng aktres na dapat sana’y 10 days lang sa Probinsyano pero umabot na ng mahigit isang taon.

Pag-amin pa ni LT, nakakapagod ang ginagawa niya sa serye ni Coco, “Nakaka-drain talaga. Minsan, sa ginagawa ko, naiiyak ako. Kahit nanlilisik yung mata ko, teary-eyed pa rin ako. Kasi, parang sa puso mo, alam mo na minsan parang, ‘Meron pa bang ganito? Meron bang ganitong tao?’”

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending