Arjo 4 years pang maghihintay bago pakasalan si Maine | Bandera

Arjo 4 years pang maghihintay bago pakasalan si Maine

Jun Nardo |March 05,2020
facebook
share this

Arjo 4 years pang maghihintay bago pakasalan si Maine

Jun Nardo - March 05, 2020 - 12:10 AM

THROWBACK photo noong five years old pa lang si Maine Mendoza ang kalakip ng kanyang pasasalamat sa lahat ng bumati sa kanyang 25th birthday last March 3.

“A day well spent. Thank you Lord for another year. Thank you everyone for all the birthday greetings and wishes.

“Felt extra loved and special today. #25,” tweet ni Meng.

Gaya ng mga nakaraan niyang birthdays, bumaha ng cakes sa APT Studios para sa Dubsmash Queen. Naging special guest din sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga ang brother niyang si Dean.

Tungkol naman sa pagpapakasal, may tamang panahon daw para rito, “Feeling ko by the time na makasal ‘yong dalawa kong kapatid, okay na rin for me to settle down.
“Before I turn 30 po siguro. When I turn 28 or 29 so that’s three or four years from now, malayo pa,” sabi pa ng girlfriend ni Arjo Atayde.

* * *

Trending ang hashtag na #KimChui kahapon sa Twitter.

Bigla kasing bumandera ang balita na pinagbabaril ang sinasakyan niyang van ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki habang papunta sa taping ng kanyang teleserye sa bandang Katipunan, Quezon City.

Suwerteng nakaligtas si Kim sa nasabing ambush pati ang kanyang alalay at driver pero takot na takot nga raw ang aktres sa insidente.

Ayon sa driver ng aktres, wala raw siyang alam na kaaway ang dalaga. Wala rin daw siyang alam kung may death threats ang girlfriend ni Xian Lim.

Kinondena naman ng fans ni Chinita Princess ang ginawa ng mga suspek sa kanilang idolo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending