Pinoy actor kasama sa bagong Hollywood movie ng 'Avatar' lead star Bandera

Pinoy actor kasama sa bagong Hollywood movie ng ‘Avatar’ lead star

Ervin Santiago |February 26,2020
share this

Pinoy actor kasama sa bagong Hollywood movie ng ‘Avatar’ lead star

Ervin Santiago - February 26, 2020 - 12:45 AM

ALEX DIAZ AT SAM WORTHINGTON

Matapos pag-usapan sa apat na sulok ng kashowbizan dahil sa ginawa niyang pag-amin sa kanyang tunay na kasarian, mukhang magiging maganda ang takbo ng career this year ni Alex Diaz.

Ibinalita ng aktor na makakasama siya sa isang international movie na pagbibidahan ng Hollywood actor na si Sam Worthington, ang bida sa pelikulang “Avatar.”

Kung matatandaan, naging maingay ang pangalan ni Alex nang ipahiya ng isang fitness coach sa social media patungkol sa kanyang gender preference. Dahil dito umalis siya pansamantala sa showbiz para “hanapin ang kanyang sarili.”

At sa kanya ngang pagbabalik, isang good news ang dala niya para sa fans, ito ngang Hollywood movie na gagawin niya. Isa itong action-thriller titled “Counterplay”.

Nag-post pa siya ng isang photo hawak ang movie script na may caption na, “Excited as our film at @mamholdingsinc was finally announced at the Berlin Film Festival the other day.”

Ito naman ang ipinost niya sa Twitter, “Geekin’ pretty hard rn guys, I’m in the same paragraph as Sam Worthington.”

Ayon sa isang artikulo, gaganap si Alex bilang isang lalaking napagbintangan na sangkot sa drug-trafficking habang si Sam naman ay gaganap bilang si John Craig, isang retired negotiator na tutulong kay Alex para makatakas at makabalik sa pamilya niya sa Australia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending