ISANG mapagpalang araw po sa bumubuo ng inyong pahayagan.
Batid ko po na marami kayong natutulungan sa pamamagitan ng inyong column na Aksyon Line.
Ako po ay sponsored member ng PhilHealth.
Mag iisang taon na rin mula nang ako ay operahan at tanggalan ng isa kong kidney.
Masyado pong maselan ang operasyon ngunit kinaya sa tulong po ng ating Poong Maykapal.
Halos isang baywang po ang hiwa o ginawang operasyon sa akin. Mabuti na lamang at maayos na po ako ngayon.
Ako po ay inoperahan sa National Kidney Center at sinabi po ng doctor na nag opera sa akin mabuti na lamang at natanggal na ang isa kong kidney dahil sa malaking bukol dito at na diagnosed a stage 2 cancer.
Ngunit dahil natanggal na raw po ay wala na akong dapat ipag alala at hindi na kinakailangan na mag chemo.
Pero sinabi pa rin po ng doctor na base po sa resulta ng ultrasound at iba pang pagsusuri na ginawa ay may bukol pa po sa isang part ng aking kidney na kailangang tanggalin.
Last month lang po nang ako ay muling nagpacheck-up at sinabihan ako ng doctor na muling i-ultrasound at nakita na nandon pa rin yung maliit na bukol at kinakailangan daw po na tanggalin.
Ayaw ko na sana dahil sa hirap ng aking dinaanan noong unang operasyon ngunit kinakailangan kong lumaban.
Kaya po gustong ko lang po sana itanong sa PhilHealth kung sa ngayon po na second operation na gagawin sa akin ay libre o sagot pa rin po ba ng PhilHealth?
Napakalaking tulong po ng PhilHealth sa tulad ko na natanggalan ng kidney.
Ano po ang dapat kung gawin? Sana ay masagot ng Philhealth ang aking katanungan.
Ako po ngayon ay mag 51 years old na at nakatira sa Navotas City.Nagpapasalamat
Jenny
REPLY: Yes magagamit pa rin po ang kanyang PhilHealth benefits basta aktibong sponsored member po sya ng PhilHealth.
Kung sa government facility siya, entitled po sya sa no balance billing policy din.
Tawag lang po sya sa PhilHealth Action Center para sa iba pang katanungan (02) 84417442
***
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
***
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.