outbrain

Nora totong nagbago na; goodbye sa pagiging pasaway

By Cristy Fermin February 14,2020
share this

Nora totong nagbago na; goodbye sa pagiging pasaway

By Cristy Fermin February 14,2020
share this

NORA AUNOR

Nakakaaliw ang kuwento ng isang beki na sobrang aga raw dumating ng Superstar na si Nora Aunor sa kanyang shooting at taping. Napaka-professional daw talaga ni Ate Guy.

“Mas nauuna pa nga siyang dumating kesa sa generator!” seryosong sabi ng becki. Manghang-mangha ang lahat ng nakarinig, minsan na kasing ikinapit sa imahe ng Superstar ang pagiging bitinera, pinoproblema siya nu’n ng produksiyon dahil madalas siyang nambibitin ng trabaho.

Pero nu’ng magseryoso na ang becki ay sinabi nito na OA lang ang kanyang pagkukumpara, mas nauuna naman daw ang generator ng produksiyon kesa sa Superstar, pero totoong never siyang nale-late sa taping.

Pinatutunayan din ‘yun ng mga kasamahan ng Superstar, maaga raw ang kanyang calltime, pero meron siyang pakiusap na maaga rin siyang magpa-pack-up.

Palagi namang may panahon para sa pagbabago at pagbawi. Kung naging problema man siya nu’n ng mga producer na kumukuha sa kanyang serbisyo, ngayong nagkakaedad na siya ay nagpaalam na ang singer-actress sa dati niyang gawi, napakapropesyonal na ngayon ni Nora Aunor.

At siya mismo ay nagsasabi na kahit pa inaatake siya ng hika ay hindi niya ‘yun ginagamit na dahilan para hindi siya makapagtrabaho.

“Ni hindi nga siya nagrereklamo, hindi rin siya nagpapa-cut sa director kahit pa inaatake na siya ng asthma,” patunay ng isang kaibigan namin.

Anuman ang sabihin ng kahit sino ay mananatiling si Nora Aunor pa rin ang nag-iisang Superstar at pinakamalaking bituin sa langit na nagkaroon ang industriya ng pelikula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending