outbrain

Jane Oineza, RK Bagatsing walang arte-arte sa laplapan, churvahan sa ‘Us Again’

By Jun Nardo February 14,2020
share this

Jane Oineza, RK Bagatsing walang arte-arte sa laplapan, churvahan sa ‘Us Again’

By Jun Nardo February 14,2020
share this

JANE OINEZA AT RK BAGATSING

KOMPORTABLE na si Jane Oineza na makalaplapan at makalampungan sa kama ang magaling na aktor na si RK Bagatsing.

Nagkaroon na sila ng intimate scenes sa series nila noong Araw-Gabi kaya wala na silang ilangan nang ulitin nila ito sa post-Valentine offering ng Regal Entertainment, “Us Again.”

“He is a gentleman naman so pinaparamdam naman niyang safe ako! Ha! Ha! Ha! Ang ibig kong sabihin maalaga siya sa mga eksena, lalo na sa love scenes,” saad ni Jane sa media launch ng “Us Again” na unang directorial job sa big screen ni Joy Aquino.

“Siyempre responsibility namin ‘yon as an actor na kahit anong mangyari kailangang maging maingat ka, lalo na sa mga ganoong eksena, you have to make them feel safe.

“Wala naman kaming inhibitions. Okay rin ang set namin kasi nakapag-create kami ng space na feeling namin ay napoprotektahan kami sa sensitibong eksena.

“Wala naman pong ilangan kasi matinding collaboration kami sa set everytime na may ginagawa kaming eksena,” pahayag naman ni RK.

Sa tanong kung totoo bang nagkaroon sila ng relasyon nang magsama sa teleserye, tugon ni Jane, “Hindi po naging kami!”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending