outbrain

Kapuso stars Dingdong, Eugene, Aiko ibinandera ang suporta sa ABS-CBN

By Ervin Santiago February 11,2020
share this

Kapuso stars Dingdong, Eugene, Aiko ibinandera ang suporta sa ABS-CBN

By Ervin Santiago February 11,2020
share this

 

DINGDONG DANTES

MATAPANG na nagpahayag ng pakikisimpatya at pagsuporta ang ilang Kapuso stars sa ABS-CBN sa gitna ng painit na painit na usapin hinggil sa franchise renewal ng Kapamilya Network.

Humanga ang mga netizens kina Dingdong Dantes, Eugene Domingo at Aiko Melendez na hayagang nagbandera ng kanilang pakikiisa sa ipinaglalaban ng ABS-CBN.

Tweet ni Dingdong, “Magkaiba man ng bakod, we are one in the media industry.

“We have one love for the many talents and crafts under this Network, the products and output of which, directly or indirectly, benefit the lives of millions of Filipinos,” sabi pa ng lead star ng Kapuso series na  Descendants of the Sun.

Dagdag pa niya, “In the end, I pray that the true interests of the people, under the rule of law, will prevail over any other political agenda conveniently veiled as a countermeasure against alleged abuses.

“I pray too that the government, thru Congress, will hear out its constituents. After all, Congress is supposed to represent our ‘voice.’” Ginamit din ng Kapuso Primetime King ang hashtag na “#NoToABSCBNShutDown.” 

AIKO MELENDEZ

Kahit nasa GMA, ilang beses na ring nakagawa ng pelikula si Dingdong film company ng ABS-CBN na Star Cinema, kabilang na ang One More Try (2012), She’s The One (2013), The Unmarried Wife (2016), Seven Sundays (2017), at Fantastica (2018).

Narito naman ang mensahe ni Eugene na kanyang ipinost sa Instagram, “In the end, we are all family [heart emoji] I pray with you. [praying emoji].”

Samantala, bago lumipat sa GMA, marami ring nagawang serye si Aiko sa Dos kaya nagpakita rin siya ng suporta sa Kapamilya network. 

 “Ang tagal ko dn naging parte ng ABS CBN, madami akong magandang proyekto nagawa sa kanila.

“Nagkaroon ng ibat ibang papuri sa mga awards. Malaki ang naitulong ng Abs sa akin.

“Bagamat ako ay nasa GMA hangad namen na maayos ang kanilang franchise dahil sa huli lahat tayo ay nasa iisang industry.

“Tayo ay magkapuso at magkapamilya. #notoabscbnshutdown,” pahayag ng aktres na napapanood ngayon sa Kapuso series na Prima Donnas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending