Efren 'Bata' Reyes, Lifetime Achievement awardee sa PSA Awards Night | Bandera

Efren ‘Bata’ Reyes, Lifetime Achievement awardee sa PSA Awards Night

- January 26, 2020 - 08:25 PM

EFREN “Bata” Reyes

NABAWASAN man ang kanyang mahika sa laro, nananatili pa ring alamat sa mundo ng billiards si Efren “Bata” Reyes.

At pinatunayan ito ng 65-anyos na si Reyes dahil isa pa rin siya sa humahatak ng mga manonood sa Philippine sports lalo na nitong nakaraang 30th Southeast Asian Games.

Ang batikang pool player na si Reyes kasi ang isa sa hinahangaang miyembro ng PH men’s billiards and snooker team.

Bagamat nakapag-uwi lamang si Reyes ng tanso sa men’s carom (1 cushion) event sa biennial meet nagsilbi pa rin siyang inspirasyon sa koponan na nagwagi ng kabuuang 12 medalya kabilang ang apat na ginto.

At kahit nagwagi lamang siya ng kabuuang limang tanso sa SEA Games na pawang lahat ay sa men’s carom, hindi pa rin nito mababago ang nakamit na tagumpay ng tinaguriang ‘The Magician’  sa pool world kung saan siya ang kinikilala pa ring greatest player of all-time.

Kaya namang ang tubong-Mexico, Pampanga na si Reyes ay gagawaran ng Lifetime Achievement award ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa SMC-PSA Awards Night sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Si Reyes din ang magsisilbing special guest speaker sa nasabing awards night kung saan siya ang magiging ikalawang sunod na atleta na nagsilbing guest speaker sa event na hatid ng Philippine Sports Commission (PSC), MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association (PBA) at Rain or Shine. Ang dating Olympian na si Bea Lucero ang naging guest speaker sa PSA Awards Night noong nakaraang taon.

Ang Team Philippines naman ang tatanggap ng Athlete of the Year award mula sa pinakamatandang media organization ng bansa matapos nitong mapanalunan ang overall championship ng SEA Games.

Si Reyes ay three-time winner na rin ng Athlete of the Year matapos parangalan ng PSA noong 1999, 2001 at 2006.

Kabilang din sa mga naging karangalan ni Reyes ay ang pagiging world 8-ball at world 9-ball champion, US Open 9-Ball Championship titlist, ang inaugural winner ng World Cup of Pool kasama ni Francisco ‘Django’ Bustamante, ang winningest player sa kasaysayan ng Annual Derby City Classic sa hawak na limang titulo, at naging largest prize money winner ($500,000) sa kasaysayan ng pocket billiards matapos magwagi sa IPT World Open 8-Ball Championship.

Nanguna rin si Reyes sa billiards money list ng limang beses kabilang na ang record earning na $646,000 noong 2006.

Nakasama na rin siya sa Billiard Congress of America Hall of Fame noong 2003.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maliban kay Reyes, pinarangalan din ng PSA sina bowling great Bong Coo at cycling champion Paquito Rivas ng Lifetime Achievement award noong isang taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending