Netizen supalpal sa Yes Pinoy: Hindi tumutulong si Dingdong para lang magpapogi! | Bandera

Netizen supalpal sa Yes Pinoy: Hindi tumutulong si Dingdong para lang magpapogi!

Ervin Santiago - January 22, 2020 - 01:05 AM

DINGDONG DANTES

SUPALPAL ang isang netizen na nangnega sa ginawang pagtulong ng grupo ni Dingdong Dantes sa mga biktima ng Taal volcano eruption sa Batangas.

Mismong ang YES Pinoy Foundation ng Kapuso Primetime King ang nagtanggol sa aktor sa mga nagsasabing “for publicity” lang ang ginawa nilang relief operations sa ilang evacuation center sa Balayan, Batangas nitong nakaraang weekend.

Nakasama pa ni Dingdong sa pamamahagi ng relief goods sa mga Batangueño si Rocco Nacino at ilang mga sundalo ng Philippine Marines. Makikita sa ilang litrato na naka-post sa Instagram account ni Dingdong na nakasuot din sila ni Rocco ng military uniform. Magkasama ang dalawa sa upcoming action-drama series ng GMA na Descendants of the Sun.

Sa caption ng mister ni Marian Rivera sa ipinost niyang mga photo sa IG, pinasalamatan ng Yes Pinoy Foundation ang Philippine National Red Cross (PNRC) at ang Philippine Navy, pati na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Smile Cares Foundation na nakatuwang nila sa pagbibigay ng tulong sa Batangas.

“Because of your generosity and with the help of the Philippine Navy and Philippine Marines— led by BGen Ariel Caculitan PNRC— we were able to donate 1000 relief packs to evacuation centers in Balayan, Batangas namely, Pastoral Center, Canda, Tanggoy and Patugo,” mensahe ni Dingdong.

Sa comments section, pinuri ng netizens ang “kabayanihan” ng grupo ni Dong kasabay ng pasasalamat sa tulong na iniabot nila sa mga evacuee. Pero may isang netizen ang nagtanong kung bakit naka-military uniform din ang Kapuso actor. Aniya, “Reserve ka ba ng Philippine Army? Bakit nakaganyan kang suot? Is that for publicity?” na ang tinutukoy nga ay ang teleseryeng Descendants of the Sun.

Hindi na pinatulan ng aktor ang pang-iintriga ng netizen pero ang Yes Pinoy ang sumagot sa issue. Ipinaddiinan nila na hindi ang tipo ng Kapuso actor ang gagawa ng kabutihan para lang gumimik o magpapogi, “Hi! Our Founding Chairman, Mr Dong Dantes, is a Philippine Marine reservist since 2009. Thank you!” Sagot naman ng netizen, inaasahan niyang tunay ngang sundalo si Dong dahil, “It will be a shame to wear this if he is not.”

Kung matatandaan, 2006 nang magpa-enlist si Dingdong sa Philippine Marine Reserve Force kung saan mahigit isang buwan siyang sumailalim sa military training. Taong 2009 nang pormal siyang naging Marine reservist.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending