Pekeng Vilma Santos buking, paninira kay Luis kinondena ng netizens | Bandera

Pekeng Vilma Santos buking, paninira kay Luis kinondena ng netizens

Jun Nardo - January 17, 2020 - 12:20 AM

VILMA SANTOS AT LUIS MANZANO

NABUKING ang poser ni Lipa City Cong. Vilma Santos-Recto sa Twitter.

Ang nakakaloka pa sa tweet ng poser ni Ate Vi, binira pa nito ang anak niyang si Luis Manzano tungkol sa pagbebenta ng mga face mask, huh!

Saad sa tweet ng poser, “I denounce yung ginawang pagpatong ng price ng anak kong si @luckymanzano ako po ay humihingi ng raos puso nyong pangunawa.” Ang user name ng poser ay @VilmaSRecto na talagang bina-bash ngayon ng mga supporters ni Luis.

Depensa pa ng Twitter user na si @therealluisters, “Warning peeps! Congresswoman Vima Santos-Recto does not have a twitter account so don’t be fooled.

“Please continue reporting @Twitter. Again this account is NOT Congresswoman Vilma Santos Recto.”

Naku, abala ngayon sa pag-iikot sa mga evacuation center sa Lipa at Batangas City si Cong. Vilma. May ilang litrato na kumalat sa social media kung saan makikita ang pakikipag-usap niya sa mga evacuees.

“Tired but good” ang reply ni Cong. Vilma sa text nang kumustahin namin siya at sa isinasagawa nilang relief operations.

Eh, bukod sa pagtulong at pag-aasikaso sa mga biktima ng Taal Volcano eruption, pinapataas din ng congresswoman ang moral ng mga nasalanta sa pamamagitan ng personal na pakikipagchikahan sa mga ito.

Kaya sa mga kumakalat na balita na wala pang aksyon ang Star For All Seasons para sa mga Batangueñong nasalanta ng kalamidad, fake news lahat yan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending