Love story nina Joem at Meryll may part 2; nagkabalikan dahil sa Starla? Bandera

Love story nina Joem at Meryll may part 2; nagkabalikan dahil sa Starla?

Reggee Bonoan |January 08,2020
share this

Love story nina Joem at Meryll may part 2; nagkabalikan dahil sa Starla?

Reggee Bonoan - January 08, 2020 - 12:45 AM

JOEM BASCON

Nagisa sina Joem Bascon at Meryll Soriano sa finale presscon ng Kapamilya primetime series na Starla na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Nagkatrabaho noon sina Joem at Meryll sa seryeng Betty La Fea noong 2008 kung saan nagsimula ang kanilang espesyal na relasyon, pero nagkahiwalay din. Hanggang sa magkasama uli sila sa Starla at balitang nagkabalikan na matapos mabuking na magkasama silang nag-celebrate ng New Year.

Sa presscon, natanong ang dalawa kung ano ang mas importante sa kanila, ang Betty La Fea o ang Starla. Naunang sumagot ang aktor, “Very special for us ang Starla kasi sobrang ang daming pagkakaibigan na nangyari, naging well- bonded kami. May tinatawag kaming pondahan group. May tinatawag kaming mga attorney, mga alagad ni Dexter (karakter niya sa serye).

“So, meron kaming nabuong samahan ng mga pagkakaibigan even after kami na hindi nagti-taping, nagsasama kami, nagkikita kami minsan sa JT’s (Manukan) o sa Taumbayan. We get together. Yeah, It’s very special for me, especially, sobrang tagal kasi naming ginawa ang Starla.

“So, aaminin namin na talagang naging magbabarkada kami, naging masaya kami na magkakasama wala kasing signal sa set namin, ‘yung lugar naming Barrio Maulap, zero talaga ang signal kaya wala kaming ginawa kundi magkuwentuhan, magkulitan from 7 a.m. hindi namin alam natatapos na kami ng midnight, even 1 a.m. wala na ‘yung mga kids kasi inunang kunan.

“We’re just very happy, that’s why it’s very special for us, not just for me and Meme (tawag niya kay Meryll). I guess I can speak for Judy Ann, also Tito Joel (Torre), and for everyone in the cast. And kung yung Betty La Fea, sasagutin ko din, special yun para sa akin, kasi it’s my first work for ABS-CBN, for Dreamscape.

“It’s one of my firsts, and special din yun kasi well-bonded yung grupo namin. Kung may nabuo o kung ano, nabuo yung pagkakaibigan at pagmamahalan namin sa isa’t isa. At yun, tini-treasure naming lahat yun, magkakasama even after,” mahabang paliwanag ni Joem.

At dahil sa tsikang nagkabalikan ay hiniling ba ni Meryll kay Starla na sila na lang ulit ni Joem. Napangiti lang ang aktres sabay sabing, “Abangan sa last five nights ng Starla. Happy New Year.”

Hindi nasagot nang maayos nina Joem at Meryll ang tungkol sa kanilang relasyon kaya inabangan sila ng press pagkatapos ng Starla presscon pero hindi na sila nagpaunlak pa ng panayam dahil may misa pa silang dadaluhan handog ng Dreamscape Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending