Juday: Pag hawak ko kamay ng asawa ko, ako ang pinakamaganda | Bandera

Juday: Pag hawak ko kamay ng asawa ko, ako ang pinakamaganda

Alex Brosas |December 31,2019
facebook
share this

Juday: Pag hawak ko kamay ng asawa ko, ako ang pinakamaganda

Alex Brosas - December 31, 2019 - 12:45 AM

JUDY ANN SANTOS AT RYAN AGONCILLO

ANG ganda ng reactions ng mga anak ni Judy Ann Santos sa pagkapanalo niya sa Metro Manila Film Festival bilang best actress for “Mindanao.”

Ipinakita sa video ang mga anak ni Juday na naglulupasay sa tuwa matapos i-announce na nagwaging best actress ang kanilang ina.

“Ang precious ‘yung reactions ng mga anak namin. Hindi ko in-expect na gising pa sila. Dapat tulog na sila,” say ni Juday.

“Sila ‘yung naging inspirasyon ko kaya hindi naging mahirap para sa akin to play the role of Saima. Naging natural,” dagdag pa niya.

Super happy si Juday dahil matagal na siyang hindi nakakadalo sa MMFF Awards’ Night.

“Ang tagal ko na ring hindi naka-attend ng MMFF (awards night). Alam mong glammed up ka, pero kapag hawak ko ang kamay ng asawa ko, alam ko ako ‘yung pinakamaganda. Iba pa rin ‘yung kilig ng support, iba ang confidence na nabibigay noon.
“Nakakatuwa lang isipin na nung nakuha ko ‘yung award for Kasal, Kasali, Kasalo ay mag-boyfriend kami, we’re not even engaged yet. After 13 years nakakuha ako uli ng award sa MMFF, we’re happily married, we have three kids. ‘Yung mukha nila ang priceless. Ang bonus noong awards pero mas bonus ‘yung yakap ng mga anak ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending