Alfred, Cherie, Angel bibida sa bagong 'Martial Law' film | Bandera

Alfred, Cherie, Angel bibida sa bagong ‘Martial Law’ film

Jun Nardo - December 18, 2019 - 12:08 AM

ALFRED VARGAS

NAKIPAGSABAYAN si Quezon City Rep. Alfred Vargas sa magagaling na aktres na sina Cherie Gil at Angel Aquino sa bago niyang pelikula directed by Mac Alejandre, ang “Kaputol.”

Ibang atake ang ginawa ni direk Mac sa script ni Ricky Lee na tatalakay sa kuwento ng mga taong nawala noong kasagsagan ng Martial Law.

Honored si Alfred na makasama sa movie ang dalawang magagaling na aktres dahil alam niyang hindi lahat ng aktor ay nabibigyan ng chance na makagawa ng proyekto with award-winning stars and director.

Bilib na bilib naman sa kanya sina Cherie at Angel dahil kahit na nga busy siya sa mga problema ng kanyang distrito sa Q.C. ay naihahanap pa rin niya ng oras ang kanyang first love, ang pag-arte.

“Actually, average of one project a year. Kung gagawa man ako ng project, iyon na talagang gusto ko. Kaputol is an advocacy film. And honestly, kaya siya maganda, dahil sinulat siya ni Ricky Lee. Noong ‘80s pa lang, short film na siya ni Ricky Lee, na ginawang full length.

“’Tapos, noong in-offer sa akin, sabi ko, ‘Yes, I would really love to do it.’ Tungkol siya sa magkapatid. May aspect din na film within a film. It’s about love, loss and family. Sa isang part, magkapatid kami ni Cherie Gil. Sa isang side naman, magkaibigan kami, she’s my director, and I’m her actor sa isang indie film,” kuwento pa ng actor-politician.

Naku, may eksena sina Cherie at Angel sa pelikula na siguradong ikaka-shock ng manonood! Kaya yan ang inyong abangan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending