'Wala kang itatapon sa mga artista ng The Gift!' | Bandera

‘Wala kang itatapon sa mga artista ng The Gift!’

Cristy Fermin - December 16, 2019 - 12:20 AM


NAKASASABIK ang The Gift na pinagbibidahan ni Alden Richards ngayong gabi sa pagpapatuloy ng serye. Maraming dahilan kung bakit. Nakakakita na nang malinaw ang bidang si Sep.

Alam na ni Jared (ang magaling ding si Martin del Rosario) na si Sep pala ang nawawalang anak ng kanyang ina. Magkapatid pala sila.

Makikipagkita na si Nadia (Jean Garcia) sa kanyang kaibigang becki na pinagbantaan ni Christian Vasquez na huwag na huwag sasabihin sa kanyang misis na si Sep nga ang nawawala nitong anak.

At nakakatuwa ang pagpasok sa serye ni Smokey Manaloto na gumaganap na pulis na kapatid pala ni Helga (Sophie Albert) na mukhang unti-unti nang napupusuan ni Sep.

Saan ka pa? Nasa The Gift na ang mga eksenang nakapananabik, ang mga tagpo na manununtok ng ating damdamin, dahil ang seryeng ito ay umiikot sa kuwento ng mag-inang pinaghiwalay ng kapalaran.

Hindi maaaring hindi pansinin ang mahusay na pagganap nina Elizabeth Oropesa at Jo Berry, ang simpleng atake ni Mikee Quintos, walang itatapon sa cast sa serye.

May isang eksena nu’ng isang gabi na nagpaluha sa amin. Dahil sa tahasang pagsagasa sana ni Jared kay Sep ay napahiga siya sa kalye, nakaiwas sa aksidente, pero nang dumilat siya ay napakalinaw na niyang nakita ang simbahan.

Sa sobrang pasasalamat sa Diyos dahil nakakakita na siya ay pinuntahan ni Sep ang kanyang Lola Char at Nanay Strawberry.

Siya mismo ang nagsulot ng sinulid sa maliit na butas ng karayom na panggawa ng mga itinitindang bulaklak. Lumuluha si Sep habang ginagawa ‘yun. Ang sakit sa dibdib!

Napakagaling na talagang umarte ni Alden Richards, hindi na ang kanyang kaguwapuhan lang ang mapapansin ngayon, aktor na nga ang Pambansang Bae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending