Lalaki sinilaban ang sarili, patay | Bandera

Lalaki sinilaban ang sarili, patay

John Roson |December 07,2019
facebook
share this

Lalaki sinilaban ang sarili, patay

John Roson - December 07, 2019 - 05:42 PM

NASAWI ang di pa kilalang lalaki matapos umanong silaban ang kanyang sarili sa isang mataong lugar sa Cagayan de Oro City, Sabado ng hapon, ayon sa pulisya.

Naganap ang insidente sa rotonda ng Brgy. Macasandig dakong alas-2, sabi ni Maj. Ericson Sabanal, commander ng City Police Station 9.

Inihayag sa pulisya ng isang 35-anyos na saksi na nakita niya nang ang lalaki’y magbuhos ng likido at biglang sinindihan ang sarili, sabi ni Sabanal sa mga reporter.

Dinala muna ang mga labi ng nasawi sa isang punerarya sa Bulua habang nag-iimbestiga ang lokal na pulisya.

Isasailalim ito sa DNA test para makilala ang nasawi, ani Sabanal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending