Pamilya ni Angelica hinaras ng taxi driver sa Paris: Wag ang pamilya ko, gunggong ka!

By Alex Brosas November 08,2019
share this

Pamilya ni Angelica hinaras ng taxi driver sa Paris: Wag ang pamilya ko, gunggong ka!

By Alex Brosas November 08,2019
share this

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELICA Panganiban was asking for help through her Twitter account.

Minalasado kasi ng isang taxi driver sa Paris ang kanyang family.

“Hello! Kailangan ko po ng tulong. Yung family ko sa Paris, nag taxi from the airport, at sinisingil sila ng 450euros papuntang accomodation nila malapit sa eiffel tower. So hindi po ginawa ng kapatid ko dahil alam niyang sobra sobra ang singil sa kanila.

“Sinigaw sigawan niya ate ko, kuya ko at pamangkin ko. Hinampas niya kamay ng ate ko dahil kinunan niya ng picture. Natatakot sila ngayon dahil alam nung driver kung saan sila nakatira,” tweet niya.

When someone said na mag-report sila sa pulis, Angelica said, “Hirap din sila mag report sa pulis dahil hindi sila marunong mag french… at bihira din sa kanila ang marunong mag english.”

Later, kuwento ng aktres, “Pumayag yung driver na mag settle sa 100euros and $60 dahil yun na lang laman ng wallet nilang tatlo. Tapos hinagis yung pera ng pamilya ko sa kalsada.

“May nakakitang filipino sa pamilya ko at tinulungan sila mag translate dun sa driver. Salamat Leo Lim.”

Seething with anger si Angelica who then wailed, “Gusto kong lumipad ng Paris ngayon at maghanap ng away!!!! Lintek!!! Wag pamilya ko gunggong ka!!! Ipapahanap kita!”

“Hindi sila makalabas ng BnB nila. Takot na takot sila na nakaabang lang yung driver sa kanila. Pumapayag akong sinasaktan at ginagamit ako. Pero hindi yun uubra kapag ginawa mo sa pamilya ko. Hustisya!!!!” dagdag pa niyang tweet.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending