Alex binastos sa airport sina Rita Daniela at Ken Chan?
Pinatutsadahan ni Lolit Solis si Alex Gonzaga dahil sa pambabastos daw nito sa starlets na sina Ken Chan at Rita Daniela sa isang airport.
“Kaloka at kainis ang nalaman ko nangyari sa isang airport sa Mindanao kung saan pumunta ang mga taga ABS at GMA stars. Karapatan naman ng kahit sinong tao ang hindi pansinin kung sino ang bumabati sa kanila, OK lang dahil pag ayaw mo ‘di huwag di ba?
“Mas mabuti nga iyon dahil walang plastikan pero ang maituturing mong kabastusan iyon nilapitan ka na at nagpakilala sa iyo, lalo pa sa kapwa mo artista, siguro naman hindi ganun kamahal ang ngiti mo lalo na at kasamahan mo sa trabaho.
“Pag nakita ko si Ken Chan at Rita Daniela talagang pagsasabihan ko sila dahil you are how you treat yourself. Ok, totoo man na gusto nila at fan sila ng pagiging vlogger ni Alex Gonzaga, just admire from a distance. Ang kuwento nagkasabay sila sa airport at nilapitan ni Ken at Rita si Alex Gonzaga at sinabing fan sila ng vlog site nito. Tumango lang daw si Alex at parang dedma.
“Wow. Snob? Big star? Actually kila Ken at Rita ako nainis ha. Artista sila, hindi sila dapat umarte na parang bigger star si Alex. Naku, tingnan nga natin kung sabay na nasa gitna ng crowd silang 3 kung sino may mas malakas na tili, sure ako mas malakas si Ken Chan. Si Rita baka mas malakas pa kaysa kay Alex noh. Taray.”
‘Yan ang aria ni Lolit na agad sinagot ni Alex.
“Ayy Nanay Lolit, di po tayo magkakilala pero sino po source nyo mukhang mali ata kasi nagkamayan at nag hi pa po kami sa isa’t isa at lahat ng iba pang GMA artists sa lounge. Niretweet ko pa si Ken non dahil nagchambe chambe siya. Lastly, Salamat po sa mga salita nyo tungkol sa kin ah, heartwarming.”
Na-bash si Lolit sa kanyang post na ‘yun.
“Actually trabaho yan ni Lolit, ang manira ng kapwa. Dyan sya kumikita. Hahaha.”
“Tanda tanda mo na gagawan mo pa ng issue si Alex. My gosh. Mag alaga ka na ng mga aso mo!”
“May bago kasing teleserye si Ken at si Rita need gumawa ng kwento para mapansin ganun lang yun, ginagamit nila mga stars ng abs cbn para mag-promote.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.