50 baboy pinatay sa QC dahil sa  African swine fever | Bandera

50 baboy pinatay sa QC dahil sa  African swine fever

- September 16, 2019 - 04:39 PM

TINATAYANG 50 baboy ang pinatay sa Quezon City para mapigilan ang pagkalat ng African swine fever (ASF) sa iba pang lugar.

Ito’y matapos namang magpositibo sa ASF ang 11 patay na baboy na natagpuan sa Barangay Bagong Silangan sa Quezon City.

Sa isang pahayag, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sakop ng maramihang pagpatay ang mga baboy na pasok sa 1-kilometer radius.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang tulong pinansiyal sa mga may-ari ng mga piggery at gayundin ang livelihood assistance.

Sinabi ng Department of Agriculture, mahigit 7,400 baboy sa mga pigger farms sa Antipolo City at Rodriguez sa Rizal at Guiguintom, Bulacan ang isinailalim sa culling.

Tiniyak naman ng DA na ligtas ang mga ibinebentang lokal na produktong baboy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending