Vice Ganda bad trip kay Tito Sotto: Minaliit na ang transgender, tinapakan pa ang mga babae

By Ervin Santiago September 06,2019
share this

Vice Ganda bad trip kay Tito Sotto: Minaliit na ang transgender, tinapakan pa ang mga babae

By Ervin Santiago September 06,2019
share this

VICE GANDA

NA-BAD trip si Vice Ganda sa sinabi ni Senate President Tito Sotto na ang taong ipinanganak na lalaki ay hindi kailanman magiging babae.

Isa si Sotto sa mga kumokontra sa kontrobersyal na Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill na nagsusulong sa mga karapatan at proteksyon ng mga members ng LGBTQ community.

Ayon sa TV host-politician, “Women cannot be compared to a group like that because—I hate to say this but I have to—if you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce.

“You cannot give birth, you do not have ovaries. You will never be a woman. So this, to me, the SOGIE bill is a bill against women’s rights.”

Inalmahan agad ito ni Vice at sa pamamagitan ng Instagram ay ipinaabot niya sa senador ang kanyang pagkadismaya.

“Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto???

“Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak?

“E paano po yung mga nagkaroon ng matinding karamdaman at tinanggalan ng obaryo? Di na po ba sila BABAE? Wala na ba silang karapatang tawaging BABAE?

“O bumaba na ba ang uri ng kanilang PAGKABABAE? Paano din po yung mga baog at walang kakayahang magka-anak?

“Ano po sila? Di na din sila BABAE?

Mga wala na ba silang kwentang mga BABAE? At paano naman po yung mga BABAENG choice nila na wag mag-anak dahil ayaw nila dahil sa kanilang mga personal na rason? Di na din ba sila matatawag na BABAE?

“Paano din po yung mga BABAE na may obaryo pero pinayuhang wag magbuntis dahil sa medikal na kondisyon at maaring mameligro ang kanilang buhay? Di na din sila BABAE? Ano na po sila?

“Paano din po yung mga BABAENG may obaryo pero wala pang anak dahil ayaw naman nilang magpatira kung kani kanino? Ano na sila?”

“Parang ang baba naman po pala ng tingin nyo sa mga BABAE.

“Naniniwala po ako na ang mga BABAE ay BABAE di dahil sa obaryo at sa kakayahang bumukaka at umire. Sila ay BABAE dahil sila ay BABAE.

“At MAY HALAGA sila may matris man o wala, magbuntis man o hindi,may anak man o wala dahil sila ay ay TAO at sila ay BABAE.

“Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE.”

“Paumanhin po HON. SENATE PRESIDENT Sotto. Pero i believe this statement is just not fair.

“There are people who pretend to be FEMINISTS to hide their being MISOGYNISTS.”

Naging mainit muli ang issue tungkol sa SOGIE Bill dahil sa kontrobersyal na pag-aresto sa transwoman na si Gretchen Diez matapos magkagulo nang hindi siya payagan ng janitress na gumamit ng CR para sa mga babae.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending