Jose Mari Chan trending sa pagpasok ng ‘Ber’ months

By Ervin Santiago September 01,2019
share this

Jose Mari Chan trending sa pagpasok ng ‘Ber’ months

By Ervin Santiago September 01,2019
share this

TRENDING na naman ang pangalan ng OPM icon na si Jose Mari Chan dahil sa opisyal na pagsisimula ng Christmas season sa Pilipinas.

Pagpasok na pagpasok pa lang kasi ng “BER” months ngayong Sept. 2 (12 a.m.kanina) ay sandamakmak na agad ang naglabas ng mga nakakaaliw na memes featuring JMC.

Viral agad ang mga nasabing memes na naglalaman ng mga litrato ng award-winning singer at mga quote cards tungkol sa Pasko.

May nag-post pa nga ng photo ng OPM legend kung saan nakasulat ang ilang lyrics ng kantang “Christmas In Our Hearts” na tinaguriang Pambansang Christmas song ng bansa.

Pero ilang bahagi ng kanta ang binago ng netizen at ginawa itong LGBTQ friendly song. 

Narito ang ilang Jose Mari Chan memes na nagpa-good vibes sa madlang pipol at nagpasabog sa social media ng napakalamig na Christmas feel kahit September 1 pa lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending