‘Wanted perfect gf’ ni Vico Sotto: Tumatanggap po ako ng aplikante

By Ervin Santiago August 25,2019
share this

‘Wanted perfect gf’ ni Vico Sotto: Tumatanggap po ako ng aplikante

By Ervin Santiago August 25,2019
share this

VICO SOTTO

PAPASA ka ba sa mga qualities na hinahanap ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa isang babae para maging girlfriend niya?

Single pa rin until now ang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes at ibinandera niya sa isang panayam kung ano ang gusto niya sa magiging dyowa niya.

Sa nakaraang episode ng Bawal Ang Pasaway kay Mareng Winnie sa GMA News TV sinabi ni Vico na sana’y makakilala siya ng babaeng kapareho niyang mag-isip.

“Ang gusto ko po sana, although hindi naman po tayo magiging choosy ano, gusto ko ho sana yung matalino. May hitsura naman. Nothing special.

“Actually, more than matalino, gusto ko ho sana yung same wavelength kami. Nagkakaintindihan, lalo na pagdating sa mga topic tungkol sa governance,” pahayag ni Vico.

Kuwento pa ng tinaguriang “Millennial Mayor” wala naman daw talagang mga babaeng lumalapit sa kanya para mag-apply para maging dyowa niya.

“Karamihan ng lumalapit sa akin na babae mga senior citizen po. Kaya wala rin pong love life doon, Ma’am. Especially nu’ng naging mayor ho ako, talaga siguro 90% of the time ako po pinakabata sa kuwarto, e.

“Hindi po biro yung sinabi ko na karamihan na nakikilala ko na babae puro senior citizens po. Hindi po joke iyon,” aniya pa.

 

Diin pa ni Vico sa kanyang lovelife, “Wala ho. Wala po. Masyadong naging busy po, lalo na po ngayon. Hindi ko lang naplano (magkadyowa). Lalo na sa ngayon, last thing on my mind ika nga. Talagang focus muna on trabaho.”

 

Pero sey ni Vico, umaasa siya na darating din ang kanyang Ms. Right, “Sana naman before 40. Sa ngayon, masasabi ko na lang po diyan, Diyos na lang po bahala. Pero tumatanggap naman po ako ng aplikante.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending