Alden hindi pa rin mawawasak ang record ni Daniel sa Star Cinema kahit mag-P1B ang ‘HLG’

By Reggee Bonoan August 25,2019
share this

Alden hindi pa rin mawawasak ang record ni Daniel sa Star Cinema kahit mag-P1B ang ‘HLG’

By Reggee Bonoan August 25,2019
share this

MAY nag-direct message sa amin at nagtanong kung nakamagkano na ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards mula sa Star Cinema.

Sinulat kasi namin dito sa aming kolum kamakailan na mahigit P700 million na ang hinamig sa takilya ng “HLG’ as of Aug. 16. Base sa huling announcement ng Star Cinema, umabot na P603,015,830 ang kinita ng movie sa Pilipinas at $2,132,000 naman sa iba’t ibang bansa.

Nagtanong kami sa isang taga-Star Cinema kung magkano na ang gross ng “HLG” dahil baka nalampasan na nito ang record ng “The Hows of Us” na umabot sa almost P1 billion ang kinita worldwide.

Kahapon ng umaga, naglabas na ang Star Cinema ng worldwide gross ng “HLG” at humamig na nga ito ng P838,514,653 sa takilya as of Aug. 23.

Nasa ikaapat na linggo na ang pelikula nina Kathryn at Alden at base sa pagtatanong namin, pinipilahan pa rin ito sa mga sinehan, kaya alam na this.

Well, good for Kathryn and Alden pero hindi pa rin natin masasabing  nabura na ng Kapuso actor ang record ni Daniel Padilla dahil mas malaki pa rin ang ipinasok ng boyfriend ni Kathryn sa kaban ng Star Cinema.

In fairness, nagpasalamat naman si Alden kay Daniel dahil sinuportahan nito ang pelikula nila ni Kathryn at nag-push ding tapusin ang pelikula dahil nga gusto nang mag-walkout ng aktres sa shooting nito sa Hongkong dahil sa sobrang homesick at hirap na naranasan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending