Kris nag-sorry kay Mar Roxas: Nagselos ako... | Bandera

Kris nag-sorry kay Mar Roxas: Nagselos ako…

Ervin Santiago - August 22, 2019 - 03:40 PM

“I’M sorry…nagselos lang ako.”

Yan ang diretsahang sinabi ng Queen of All Media na si Kris Aquino kay Mar Roxas nang muling magkrus ang kanilang landas kahapon.

Nagkabati ang dalawa sa 36th death anniversary rites ng tatay nina Kris at dating Pangulong Noynoy Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City. 

Mismong si Kris ang tumawag sa dating Interior Secretary habang nakatayo sa harap ng puntod ni Ninoy para tuluyan nang tapusin ang naging hidwaan nila nang dahil kay PNoy na malapit na kaibigan ni Mar.

“Please join me and let’s take a picture so Noy sees it,” ang pag-imbita ni Krid kay Mar. Hindi kasi nakarating ang dating presidente dahil may sakit ito.

“I just want to do it publicly. I’m sorry. I’m sorry for everything that happened. Nagselos ako because I felt Noy chose you over me. I hope we can let bygones be bygones,” pahayag pa ni Tetay.

Sa kanyang Instagram Stories, ipinost ng TV host-actress ang litrato nila ni Mar na may mensaheng, “Kinakapatid ko po si Mar Roxas. Ninang Judy was my baptismal ninang. Nag-sorry ako for our DADS and most especially, for NOY.”

Meanwhile, the actress-host also extended her apology to Mar’s mother, Judy Araneta Roxas.

“Baka ho hindi niyo alam [ang] mommy niya (Roxas), ninang ko sa binyag and she was really so good to me,” she said.

Pahabol pa ni Kris, “Tell Ninang Judy, I’m also sorry,” na sinagot naman ng asawa ni Korina Sanchez ng, “No problem.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Kung matatandaan, na-bad trip si Kris sa campaign manager ni Mar dahil sinisi umano nito si Noynoy kung bakit natalo ang dating senador sa 2016 presidential elections. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending