John Lloyd may bagong hugot gamit ang kanta ng Eraserheads at Sampaguita; patama nga ba kay Ellen? | Bandera

John Lloyd may bagong hugot gamit ang kanta ng Eraserheads at Sampaguita; patama nga ba kay Ellen?

Ervin Santiago |August 22,2019
facebook
share this

John Lloyd may bagong hugot gamit ang kanta ng Eraserheads at Sampaguita; patama nga ba kay Ellen?

Ervin Santiago - August 22, 2019 - 03:23 PM

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

BINASAG ni John Lloyd Cruz ang kanyang katahimikan sa gitna ng balitang naghiwalay na sila ni Ellen Adarna.

Ayon sa mga chika, nilayasa  si Lloydie ni Ellen dahil hindi na umano nitl makayanan ang kawirduhan ng aktor. May tsismis pa nga na nagkasakitan sila minsang malasing si JLC.

Wala pang official statement ang dalawa tungkol dito pero ayon sa kumakalat na balita, hindi na sila nagsasama sa isang bubong at nasa pangangalaga raw ni Ellen ang anak nilang si Elias.

Pero kagabi nga, mukhang totoo ngang may pinagdaraanan na naman si Lloydie matapos itong mag-post ng cryptic message sa kanyang Instagram account.

Isang photo ng hindi pa napipinturahang bahay ang ipinost ni Lloydie sa IG. Makikita rito ang isang standmount speaker na nakapatong sa isang kahoy na upuan at isa pang mini speaker na nasa isang timba at nakapwesto malapit sa hagdan. 

“From nosi balasi to kay bilis maglaho nang kahapon (minsan),” ang caption ni John Lloyd sa litrato.  Ang “Nosi Ba Lasi” ay isa sa mga kantang pinasikat ni Sampaguita na kapag binaligtad ay “sino ba sila”.

Ang mga kataga namang “kay bilis maglaho nang kahapon” ay mula sa lyrics ng kantang “Minsan” ng Eraserheads. 

Ang paniwala ng mga IG followers ni Lloydie ay may kinalaman ito sa mga bagong hamon sa kanyang buhay. Posible raw na patama ang nasabing caption kay Ellen.

Bukod dito, nag-post din ang aktor ng isang still shot mula sa isang pelikula na may caption na, “Encapsulating is a dangerous road.”

Kamakailan, may isa pang Instagram post si John Lloyd na kuha mula sa pagbabakasyon niya sa Vietnam. Isa na nga rito ang litrato ng lalaking nakatalikod na naka-denim jacket at may nakasulat sa likod na, “NOT TODAY.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending