Aiko: Kaya nga ako nagpapayat para mawala na sa utak ng tao na ang taba-taba ko
NAGAGALIT ang politician boyfriend ni Aiko Melendez kapag nagsusuot siya ng super sexy at revealing na damit sa mga showbiz events.
Conservative kasi si Zambales Vice Gov. Jay Khonghun kaya pinagsasabihan nito si Aiko kapag sobrang sexy na ang suot nito lalo na kapag may pa-cleavage pa siya. Ang sexy na uli ng aktres at inirampa nga niya ang kanyang to die for bod sa nakaraang presscon ng bagong serye niya sa GMA, ang Prima Donnas.
“Oo. Nagagalit siya. Tulad sa suot ko ngayon, text nang text sa akin,” chika ni Aiko. “Hindi ko kasi alam kung bakit lately, ang bilis ng pagpayat ko. In those three days, I lost another 3 lbs.
“So, ‘yung damit na dalawa na sinukat ko, ganyan kalaki, ang luwang ng damit. Eto na ‘yung pinakakasya sa akin. Kaso nga lang, ang catch, ang baba ng cleavage.
“Sabi ko, paano ang gagawin ko, eh last minute? Eh ‘eto na, isasalang na ako, wala akong susuutin. So, sana, maintindihan niya,” aniya pa.
Pagpapatuloy pa ni Kendra (ang karakter niya sa Prima Donnas), “Conservative siya, oo. ‘Yung pictorial ko sa IG (Instagram), Diyos ko, ilang beses kong pinaalam sa kanya ‘yun na, ‘ano lang, for a change.’
Kaya nga ako nagpapayat, para makita ng tao’t mawala na sa utak ng tao na mataba ako dati, di ba?
“Pinaghirapan ko ‘to, tapos ayaw niyang pakita ko? Ano yon? Ha-hahaha!” natatawang pahayag pa ni Aiko.
Ayaw pang i-reveal ng nagbabalik-Kapuso actress kung ano ang ginawa niya sa biglang pagpayat, bukod sa “stress diet” na naranasan niya noong kasagsagan ng pangangampanya ng kanyang boyfriend.
“In the coming days, iri-reveal ko ‘yan. Malalaman nila bakit, paano at kung may mga tsansa pa ‘yung mga gustong magpapayat,” ani Aiko. Pero mabilis niyang nilinaw na hindi siya dumaan sa siyensiya,
“Walang science involved ‘to. Basta malalaman n’yo rin in the coming weeks.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.