Heart, Ice, Kaladkaren, iba pang Pinoy kinondena ang panghihiya, pananakit sa transwoman | Bandera

Heart, Ice, Kaladkaren, iba pang Pinoy kinondena ang panghihiya, pananakit sa transwoman

Ervin Santiago - August 14, 2019 - 02:47 PM

 

GALIT na galit din ang ilang celebrities dahil sa pang-aalipusta at pananakit sa isang transgender woman na gumamit ng comfort room para sa mga babae.

Nangyari ang insidente sa isang mall sa Cubao, Quezon City kung saan pinagbawalan ang transwoman na si Gretchen Custodio Diez, ng janitress na gumamit ng CR for girls at sinabihang gamitin ang restroom para sa mga lalaki.

Viral ngayon ang video na kuha mismo ni Diez nang magsimula siyang laitin at pagsalitaan ng masasama ng janitress na umaani ngayon ng pambabatikos mula sa mga netizens.

Mapapanood sa video ang kabuuan nang naging usapan ng dalawa, kabilang na ang pagkaladkad kay Diez ng janitress na parang shoplifter patungo sa administration office ng mall.

Isang lady guard naman ang nagposas kay Diez bago siya dinala sa istasyon ng pulis. Dito na makikita kung paano hiniya si Diez at ang tatlong beses na pagsampal sa kanya ng janitress at ang akmang pang-aagaw nito sa kanyang cellphone na ginagamit niyang pang-video.

“May uten ka pa rin, tandaan mo ‘yan! Bakit mo ako bini-videohan? Anong papel mo? Para sumikat ka? Hoy, hindi ka artistahin! Hindi ka maganda para maging sikat ka. Hay, sisikat siya. Ang ganda niya! I-like niyo, i-share niyo para sumikat ang baklang ‘to!” ang maririnig na sabi ng janitress kay Diez.

Dito talagang nag-init ang ulo ng ilang kilalang celebrities, kabilang na ang Kapuso actress na si Heart Evangelista at ang transman na si Ice Seguerra.

Sabi ni Heart, “Umiinit dugo ko sa ganito. So painful to see this.”

Ito naman ang mahabang mensahe ni Ice na kanyang ipinost sa Instagram, “Honestly, this is one of my biggest fears whenever I’m out. Lalo na pag nasa Arabic countries ako. Pag sa pambabaeng banyo, ilang beses na akong pinalabas.

“And kung sa panlalaki naman, ang daming tanong, lalo na kung may mga pinoy. Kapag may ASEAN events akong dinadaluhan nung nagtatrabaho ako sa NYC, hindi ako umiinom ng tubig buong araw kasi natatakot ako mag banyo.

“This is a real concern. Na hanggat hindi mo pa nararanasan, isasawalang bahala mo lang. Concern na hindi ko kailanman inisip na pagdadaanan ko rin pala.

“Para sa iba mababaw, pero hindi eh. Hindi mababaw yung pagtitinginan ka ng mga tao lalo na yung papalabasin ka. Parang kinakain ako ng lupa sa tuwing nangyayari yun and what’s worse is I don’t feel safe.

“All of these feelings and more, AND NOW THIS… just because gusto lang namin magbanyo,” pahayag pa ng asawa ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Liza Dino. Naging chairperson si Ice ng National Youth Commission noong 2016 pero nag-resign noong March, 2018.

Gumamit naman ng hashtag “#GUSTOLANGNAMINUMIHI” ang TV host-comedienne na si Kaladkaren na isa ring transwoman. Matapang din nitong kinondena ang nangyari kay Diez.

Tweet niya, “Lalaban tayo, Gretchen!!! Kapit lang! This has to stop!!! Outright discrimination!!! NAKAKAGALIT!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagbigay rin ng suporta ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie kay Diez. Ni-repost pa niya sa Twitter ang viral video na may caption na, “This was unacceptable and i cant fathom how insult & injury can be thrown around so lightly at all, much less in a professional environment.

“I’m so sorry gretchen, my heart aches for you. Nothing ever gives us the right to hurt others in this way. NOTHING,” pahayag ni Frankie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending