Raffy Tulfo sa Gerald-Bea-Julia scandal: Punta kayo sa Aksyon Center, ayusin natin yan

By Ervin Santiago August 09,2019
share this

Raffy Tulfo sa Gerald-Bea-Julia scandal: Punta kayo sa Aksyon Center, ayusin natin yan

By Ervin Santiago August 09,2019
share this

GERALD ANDERSON, BEA ALONZO AT JULIA BARRETTO

HANDANG magsilbing tulay si Raffy Tulfo para maayos ang iskandalong kinasasangkutan nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto.

Aniya, bukas ang kanyang radio program na “Wanted Sa Radyo” para sa tatlong Kapamilya stars, “Lahat ng problema ay may solusyon. Para malaman natin talaga kung sino ang may kasalanan.”

Kung may #TeamBea, #TeamGerald at #TeamJulia, si Raffy daw ay #TeamAreglo, “Bukas ang tanggapan namin anytime para kina Gerald, Bea, Julia, punta kayo rito sa Aksyon Center.”

“Kasi kumakalat sa social media, nagkakasiraan na kayo, nagkakasakitan na. E, ang gusto lang naman kasi ng mga fans ninyo, correct me if I’m wrong, na magkabalikan na kayo,” aniya pa.

“Tapos siguro si Julia, bigyan na lang natin ng bagong ano, pag-asa, kung sino ang dapat niyang maging boyfriend,” dagdag pa ni Raffy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending