Angelica: Hindi po ako in love ngayon | Bandera

Angelica: Hindi po ako in love ngayon

|July 22,2019
facebook
share this

Angelica: Hindi po ako in love ngayon

- July 22, 2019 - 12:25 AM

“HINDI ako in love!” Ito ang ipinagdiinan ni Angelica Pa-nganiban matapos kumalat ang balita na may bago na siyang boyfriend ngayon.

Aniya, nais muna niyang mag-focus sa kanyang sarili at sa kanyang trabaho ngayon, lalo na ngayong may bago siyang pelikula kasama sina Richard Gutierrez at Bea Alonzo.

Sa isang panayam sinabi ng aktres na hindi niya dyowa ang foreigner na kayakap niya sa isang viral photo na kuha noong nagbakasyon siya sa Amerika. Single pa rin ang status niya.

“No, hindi ako in love. Wala may mga kaibigan siyempre akong nakikilala kapag bumibiyahe ako wala naman sigurong masama doon,” aniya.

Dagdag niya, walang ma-lisya ang pakikipagkaibigan niya sa mga nakikilala niya sa ibang bansa kapag nagbabakasyon siya.

“Ang tao talaga abroad, medyo hindi sila ganu’n ka conservative, I mean very expressive sila sa mga ginagawa nila. So I don’t see any harm naman doon (sa litrato). Mga na-meet ko sila abroad,” aniya pa.

Natawa rin daw siya sa tsismis sa kanila ng aktor na si Cholo Barretto nang kumalat ang picture nila together sa Siargao.

“E ganu’n naman ang mga tao, malisyosa talaga, kahit naman ako malisyosa din naman ako, ‘di ba? Pwede ko rin pagdudahan ‘yun pero anong gagawin ko? Anong reaction ang gagawin ko? Wala naman akong ginagawa,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending